CHAPTER 19

2.5K 70 5
                                    

Geyle's POV

"If you want to kiss a man. Then just kiss me" what the?! Shet! Bakit sobra sobra ang kaba ko. Para akong nagising sa katotohanan at nawala ang pagkalasing ko.

"A-ano ba?!" Tinulak ko sya ng malakas pero dahil nga nanlalambot parin ako, di sya tinablan. Ngayon ko lang napansin na nasa kama na pala kami.

"Sorry na Geyle. Please" sabi nya saakin at yumakap ng mahigpit. Siniksik nya yung ulo nya sa leeg ko. Napaluha ako bigla.

"What happen?? May masakit ba?" Alala nyang sabi saakin. Lumayo sya ng konti para makita ang mukha ko. Umiling ako at ngumiti saakin.

"Namiss lang kita" sabi ko sa kanya at hinawakan ang batok nya at hinalikan sya. Mabagal ang paghahalikan namin ng biglang lumalim. Shet!

"Sh*t!" Rinig kong bulong ni Wane at bigla nalang dumilim ang paligid ko.

~ • ~

"Geyle... Geyle..." nagising ako sa tawag ng babae. Tumayo ako sa kama at nagtatakang wala na si Wane. Saan kaya pumunta yung lalaking yun?!

"Geylee..." tawag ulit ng babae saakin.

"Sino ka? Nasaan ka?" Medyo kinakabahan nako sa mga nangyayari kasi ganito yung mga napapanood ko sa mga horror movies.

"Geyle nandito kami" malambing na sabi ng babae. Lingon ako ng lingon hanggang sa muntik nakong magkaheart attack nang makita silang biglang lumitaw sa harapan ko. Mas natakot ako nang makitang duguan ang mga mukha nila. Teka parang naaalala ko yung mukha nila.

"J-janela? N-nico? Kayo ba yan??" Di siguradong tanong ko. Nakita kong napangiti sila. Sabay ng pagngiti nila ang pag alis ng dugo sa mga katawan nila.

"B-bakit kayo nandito? Bakit nyoko minumulto? Dahil ba sa kinuha kong papel sa inyo? Please ibanalik ko nalang o kaya susunugin ko wag nyo na akong multuhin" takot na takot kong sabi. Nang makita kong papalapit saaakin si Janela para akong nanigas.

"WAG PLEASE WAG NYO KONG SASAKTAN" Takot kong sabi.

"Di ka namin sasaktan. Kailangan lang namin ang tulong mo" sabi ni Nico.

"T-tulong? S-saan?" Medyo mahinahong tanong ko.

"Tulungan mo kaming mahanap ang hustisya" sabi si Nico. Hustisya? Ibig sabihin...

"Pinatay kayo?!" Gulat kong tanong. Kahit alam ko namang pinatay kami, gusto ko paring siguraduhin. Nakita ko ang malungkot na mga mukha nila. Naawa ako lalo na ng makita ko ang mukha ni Janela.

"Wala kaming ginagawa sa kanila! Mga hayop sila!" Galit na sabi ni Janela.

"S-sorry" sabi ko at napayuko. Alam ko namang masakit sabihin ang nangyari pero tinanong ko parin. Napakainconciderate ko talaga.

"No. Hindi mo naman kasalanan. May mga bagay na di mo inaasahang mangyayari. May mga kalaban kang nagtatago sa isang katauhan na hindi mo inaasahang gagawan ka ng masama. Tandaan mo. Maging alerto ka sa mga nangyayari. Unawaan ang mga bagay na hindi pa nasasagutan. Wag magtiwala sa mga sinasabi sayo ng mga tao. Kumuha ng matibay na ebidensya sa mga bagay. Dahil isang pagkakamali mo lang, buhay mo at ng nakapaligid sayo ang nakasalalay." Sabi nya. Nagtataka akong nakatingin sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin? Sino ba ang pumatay sainyo??" Takang tanong ko. Di nila yun sinagot. Sa halip ay sumigaw si Janela.

"GEYLE MAG IINGAT KA!!" sigaw ni Janela. Lilingon na sana ako ng biglang may sumaksak saakin mula sa likod. Nagulat akos nangyari.

"Ngayon, wala ng makakaalam" nakakatakot na boses ng... babae?!

*ring ring* *ring ring*

Nagising ako sa tunog ng phone ko. May tumatawag. Tinignan ko kung sino. Si Yunize pala.

I'm Arranged with my... ex?!! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon