CHAPTER 10

4.3K 127 8
                                    

Geyle's POV

Nandito kami ngayon sa mall at naghahanap ng magagamit bukas.

"Oy babae anong mas maganda dito?? Itong pink na glasses o itong violet??" Tanong ni Sam. Hay.

"Yung violet" sabi ko.

"Okay itong pink ang bibilhin ko miss" sabi nya. Nagtanong pa saakin kung di naman pala susundin yung pinili ko --_--

"Tapos na ba kayo?! Ang tagal nyo naman" inis kong sabi. Di pa kasi kami nag aalmusal. Pagkapunta kasi namin dito nakita ng mga lukaret kong kaibigan ng na nakasale yung mga salamin kaya bumili sila. Halos isang oras na kami dito pero si Sam palang nakakapili.

"Eto nalang yung akin" sabi ni Abi.

"Eto yung akin" sabi naman ni Kathleen. Hay salamats natapos na rin sila.

"Pwede na ba tayo kumain??" Tanong ko.

"Oo naman girl alam naman naming nagugutom kana eh. Mukha ka na kasing kakain ng tao sa galit" natatawang sabi ni Kathleen. Tinignan ko nalang sya ng masama. Pumunta na kami sa Mcdo dahil yun na ang pinakamalapit dahil gutom na nga ako.

"2 chicken fillet, large fries, cheese burger atsaka large cokefloat yun lang po" nakangiti kong sabi. Nang makuha ko na yung order ko biglang lumiwanag yung mukha ni Sam.

"Girl di mo naman kailangang ilibre a--aray!" Sabi ni Sam. Pinitik ko kaso yung kamay nya na kukunin sana yung isang fillet ko.

"Saakin toh lahat" sabi ko. Nakita kong nanlaki yung mga mata nya. Mainggit ka loka!

"Gaano ba kalaki ang alaga mo sa tyan mo at ganyan karami yung inorder mo" gulat nyang tanong.

"Lakampake" sabi ko at nilamutak ko na ang pagkain ko. Tumayo na rin ang tatlo at nag order.

Nang makaorder na sila syempre pumunta na sa pwesto namin ano pa ba. Habang kumakain ay bigla akong tinawag ng kalikasan.

"Girls cr lang ako ahh" bulong ko sa kanila at ang mga bruha di man lang ako pinansin. Busying busy sila kakalamutak ng kinakain nila. Mabulunan sana kayo.

"Ackk" sabi nilang tatlo. Hahaha sabay sabay silang nabulunan.

"Ano ba naman yan Geyle nabulunan na nga kami tapos ganyan kapa" inis na sabi ni Abi.

"Di kasi kayo namamansin eh" natatawa kong sabi.

"Ano ba yung sinasabi mo??" Takang tanong ni Kathleen.

"Ang sabi ko cr lang ako" pag uulit ko.

"Girl bakit ka pa nagpapaalam?? Hawak ba namin yang pantog mo??" Sarkastikong sabi ni Sam.

"Sinasabi ko lang baka hanapin nyo ko. Tinatawag na ako ng kalikasan" pagpapaliwanag ko.

"Yan kasi lamon ng lamon aya--"Sa sobrang inis ko kinuha ko yung burger ko at sinalaksak sa bibig nya. Dakdak ng dakdak. Namumutla na nga ako eh. Dali dali akong pumasok sa cr at binuksan na ang cubicle. Natataranta ako dahil lalabas na ang hindi dapat lalabas. Nang matapos ako ay sobrang saya kong nag flush ng inidoro. At nagpunas na ng dapat kong punasan.

"Hoo success!" Sabi ko. Chineck ko pa kung may weird smell pero wala naman. Inisprayan ko pang alcohol at pabango para sure. Pagkalabas ko ay nagulat ako ng may makita akong lalaki dito sa cr.

"Waaaahhhh bastos manyak!!!" Sabi ko at pinagpapalo sya. Bakit sya nandito?!

"Ow aray Geyle bakit ka nananakit?!" Inis na sabi ni Wane.

"Bakit ka nandito?! Sinusundan mo ba ako?!" Inis kong sabi.

"Unang una wag mo kong hahawakan dahil marumi yang kamay mo. Naamoy ko kahit nasa dulo ako ng cubicle ang baho. Pangalawa di kita sinusundan. May lakad kami ng mga barkada ko tapos naiihi ako kaya nandito ako. At pangatlo MEN'S RESTROOM po ang pinasok nyo" mahabang paliwanag nya. Para akong natunaw dito sa kinatatayuan ko. Takte nahiya ako ahh. Pero teka?!

I'm Arranged with my... ex?!! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon