CHAPTER 18

2.3K 78 0
                                    

Geyle's POV

• Still flashback •

Nanggigigil talaga ako sa nakikita ko. Eh di yung laway nila nagsasalo?! F*ck!!!

"Oh oh may bomba ng sasabog dito" bulong ni Abi pero di ko sya pinansin. Di ko na tinuloy ang game. Di na rin ako lumapit dahil baka MAISTORBO ko pa sila. Hanggang sa matapos na yung game.

"And the winner is..." sigaw ni ma'am. Kahit nasa malayo kami ni Abi, di parin nawawala ang mga sigawan ng mga kaklase namin.

"Hailey and Wane!!" Sigaw ni ma'am na nagpadurog saakin. What the hell!

"Really?!" Inis kong sabi sa isip ko. Hanggang sa makita kong nagsialisan na ang mga students dahil tapos na ang game. Right! Aalis na sana ako nang magsalita si Abi.

"Geyle! Teka bago ka maglakad tulungan mo muna ako!" Nag aalalang sabi nya.

"Bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Yung wallet ko naiwan ko yata dun sa pwesto natin kanina nung nag volleyball tayo!" Sabi nya saakin. Pinagpagan ko ang sarili ko dahil umupo ako sa bato. At pumunta na dun. Hinanap namin yung wallet nya at di naman kami nabigo.

"Hay salamat nandito" nakangiting sabi ni Abi at sya namang pagkadating nila Sam.

• End of flashback •

"HAHAHAHAHAHAHA" natatawang sabi ni Kathleen. Inis ko syang tinignan.

"Anong nakakainis ha?!" Inis kong tanong.

"Opppssss galit na si manang Geyle. Kuha muna ako ng tubig para incase na umapoy dito, may tubig ako na pambubuhos haha" sabi ni Sam at umalis.

"Grabe ka kasi magselos eh wala namang kayo hahaha" natatawang sabi nya.

"Bakit kanina nagselos ka kela Sam at Gladice eh wala namang kayo?!" Inis kong sabi. Nakita ko namang nawala yung mood nya. Naguilty tuloy ako.

"Uyy sorry na di ko naman sinasadya eh" malungkot kong sabi.

"Ok lang" sabi nya at pilit na ngumiti saakin. Ngayon mas naguilty ako.

"Akala ko ba okay lang eh bakit ang lungkot mo?" Nag aalala kong tanong.

"Kasi..." sabi nya at lumapit saamin. "Boyfriend ko na ngayon si Sam" bulong nya saamin.

"WHAT?!!" sigaw naming sabay ni Abi.

"PAANO NANGYARI YUN?!" Tanong ko.

"GINAYUMA MO SYA NOH?!" Tanong naman ni Abi.

"Grabe naman yang tanong mo Abi?! Sa itsura kong toh mukha ba akong manggagayuma??" Tanong nya saamin at nag pacute sa harap namin. Tumingin kami ni Abi sa isa't isa at sabay na sumagot ng-

"OO" sabay naming sabi. At ang gaga humawak sa puso na para bang nasasaktan.

"Ouch! Ang sakit! Ganyan pala ang iniisip saakin ng bestfriends ko huhuhu" maarte nyang sabi.

"Ang arte mo! Ano ba kasing nangyari?" Nagtataka kong tanong.

"Oo nga ilang minuto lang kaming nawala naging kayo na?! Unbelievable!" Manghang sabi ni Abi.

"Gagi! Ganito kasi yung nangyari.." sabi nya at kinuwento saamin kung ano nga ang nangyari.

"Ahh kaya pala" sabi ko.

"Halika libot muna tayo!" Sabi ni Abi. At yun nga ang ginawa namin. Nag ikot kami sa resort. Nag usap ng mga bagay bagay. Maya maya may narinig akong vibration ng phone ko.

I'm Arranged with my... ex?!! [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon