Chapter 1 : Meeting him

18 4 0
                                    


Skye's POV

"Damn!" Hindi ko mapigilang mapamura dahil sumabit lang naman ang laylayan ng damit ko sa pako. "Shit. Bilisan mo Skye." Pagtutulak sakin ni Kira.

"Teka lang. Sumabit yung damit ko eh." Sabi ko habang inaalis ang damit ko sa pako. "Anak ng... Bilisan mo" Utos parin niya sa akin..

Nagtataka ba kayo kung ano ang ginagawa namin..haha..

Nandito kami sa likod ng school sa mapunong parte... Inaakyat ang malaking pader na halatang luma na dahil kinakalawang na ito.

Pagkatapos kong alisin ay hindi ko inaasahang may makikita akong hindi ko magugustuhan..

"K-kira" tawag ko sa kanya. "Oh?" Sagot niya. "May a-a-ahas" utal na sabi ko. "Teka huwag kang gagalaw. Diyan ka lang." Sabi niya..

Kingina. Sa lahat dapat ng hayop ahas ang hindi binuhay!!

Napakilos ako bigla ng gumalaw ito at nagsimulang pumunta sa akin. "K-kira k-kira!"Hindi ko mapigilang sumigaw dahil sa takot." Hoy! Anong ginagawa niyo diyan!?" Hindi ko pinansin ang sigaw nung guard dahil nakatuon  parin ang paningin ko sa ahas. "Oh shit! Tumalon ka na diyan Skye mas mabuti pang magkaroon ka ng bukol kaysa mahuli ka ng guard at madetention  o matuklaw ka naman ng ahas at mamatay ." Eh tanga pala to eh hindi porket naakyat ko ang napakataas ng pader na to mag-aala-super man na ako.

"Tumalon ka na!" Kasabay ng pagsigaw ni Kira ang pagpito ng guard at ang paglapit ng ahas kaya wala akong ginawa kundi ang tumalon.

"Aray." Hayup n Kira na yun. Yari ka sakin mamaya. Abala ako
sa paghimas ng pwet ko nang mapansin kong may nakatayo sa harapan ko..

Napaayos tuloy bigla ako ng upo at doon ko lang napansin na marami pala sila. Now great just great. Kung minamalas ka naman talaga eh no.

"Ah hehe  tuloy niyo lang ginagawa niyo aalis na po ako.Hindi ko mapigilang matakot dahil kilalang kilala ko ang mga grupong ito. Hindi ko inakalang dito nila gagawin ang kanilang gang war. At ngayon nandito ako sa gitna nila at nakaupo. Nakakahiya baka nakita nila kung paano ko himasin ang pwet ko kanina.

Tinitigan lang nila ako. Problema ng mga to wala naman sigurong mali sa akin.

Tumayo nalang ako at nagsimulang maglakad paalis. Lintek ng malas oh!!

Patuloy lang ako sa paglalakad kahit alam kong malayo na ako sa kanila. Gagong Kira na yun. Wala talaga siyang magandang itinuro sakin.

Napansin kong parang may sumuaunod sa akin kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad.

Bigla nalang tumindig ang balahibo ko ng may biglang humawak sa balikat ko.

Wala akong pinalampas na segundo at agad na tinuhod ang sikmura niya at susuntukin ko na sana ang mukha niya ng bigla siyang magsalita..

" You're fast." Alam ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. "Shit! Shit! S-stay away!"Hindi ako nagkakamali siya ang kaharap ko ngayon.

Nabigla nalang ako ng bigla niya akong hapitin sa bewang." Not so fast." Bulong niya sa akin. Kahit madilim sa lugar na to alam kong wala ng kulay ang mukha ko dahil sa lapit nito sa akin.

Napansin kong napangisi siya ng makita ako. "W-what are y-you doing?" Shit! Bakit ba ako nauutal? "Are you afraid?" Ano ba kasi ang ginagawa niya dito?
At hello!! Sino naman ang hindi matatakot sa kanya.

Sinong niloko mo ugag!!

------------------------------------------------------
xoxo jhellgee

BREAKING THE DANGEROUS' WALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon