Skye's POVKagabi ko pa pinag-iisipan kung pupunta ba ako sa pinag-usapan o hindi. Ngayong nasa klase ako ay wala akong naintindihan maski isang salita na sinabi sa amin ng guro.
"Kanina ko pa napapansin na balisa ka. Kung iniisip mo ang nangyari kahapon. Inayos ko na iyon. Kaya umayos ka narin."
Hindi ko pinansin ang sinabi ni Kira dahil mag-a-alas dose na hudyat na malapit ng matapos ang huli kong subject sa umaga. Bakit ganito noon tutok na tutok ako sa orasan ko sa pagmamadaling lumabas pero bakit ngayon parang ayoko ng matapos ang subject na to.
Kriiiiiing!!!! Kriiiiiing!!!!!
Parang ayoko ng tumayo sa upuan ko. " Hoy. Ano pang ginagawa mo diyan. Haha. Para kang tanga. Tara na." Yaya sakin ni Kira.
Pero hindi ko parin inalis ang puwet ko sa upuan. " Ano bang nangyayari sayo. Tara na nagugutom na ako."naiinis ng sabi pa niya.
"Mauna ka nalang, susunod ako." Sabi ko habang panay ang lunok. " Natatae ka ba!?" Gusto kong batukan ng pagkalas-lakas ang ungas nato dahil wala ng magandang lumabas sa bibig niya.
"Ano bang pinagsasabi mo?! Tabe nga! Nakakaimbyerna ka!"
"Alam ko. Haha. Tara na gusto ko ng maraming pagkain. Nagutom ako bigla."
"Pakielam ko ba."
Nakita ko namang ngumuso siya. Tss. Bakla.
" Itigil mo yan kung ayaw mong hilain ko yan at itali sa poste."
"Bakit ba ang harsh mo?" Nakanguso paring tanong niya. Pero nagkibit- balikat lang ako.
Zzzzzt!! Zzzzzt!!
Bigla akong kinabahan ng may makita akong lalaki na nakatago sa isang poste. Dali -dali kong kinuha ang phone ko at tinignan kung sino ang nagtext.
Unknown number
- I'm watching you.A.
Wala bang magawa ang taong to. Oo kilala ko na kung sino to. Si Azrael. Tsk. Manigas ka kahihintay hindi ako pupunta.
"Sino ba yan?"
"Wala. Nag-order ka na? "
" Ikaw na, tinatamad ako."
"Walang hiya—"
"Libre ko."
"Yun naman pala eh. Anong gusto mo?" Gusto kong matawa dahil sa reaksiyon ng mukha niya. Para kasi siyang nandidiri." Bilis na."
"Siguro hindi ka mabubuhay kung walang manlilibre sayo."
"Tsk. Sinong nagsabi sayo?" Asar ko.
Pumunta na ako sa counter at inorder ang mga gusto ng kumag na yon. Hah! Akalain mo, nautusan niya ako. Tsk! Ngayon lang to.
"Oh ayan mabulunan ka sana." Inis na sabi ko dahil pinanood lang niya akong buhatin lahat ng kakainin niya." Eh? Bakit ka na naman galit?"
" Tanong mo sa lolo mo."at isinubo ng sabay sabay ang mga fries. "Magdahan-dahan ka naman para kang nauubusan."
Hindi ko na siya pinansin at pinagpatuloy ang pagkain ko. Mag-a-ala-una na pala. Tsk.
Gustong-gusto ko talagang batuhin ng isang bote ng mineral ang lalaking kanina pa nakatingin sa akin.
Zzzzzt!!!Zzzzzt!!!
Unknown number
-Fvck! I'm going to kill that bastard in front of you if you'll not going here.A.
Anak ka ng kagang! Walang hiya.
"Hoy, mauna na ako. "
"Saan ka pupunta? " Bakit ba inaalam niya.tsk.
"Wala ka ng paki-elam. Sige magkita nalang tayo mamaya."
"Tsk madapa ka sana." Rinig ko pang bulong niya.
"Gago. Naririnig ko."
------------------------------------------------------
Thank you for reading my story. This is my second story hope you like it.
Try to read also my story 'That Troublemaker Is Mine'
Thank you very much.
Love you all!!!!
xoxo jhellgee
BINABASA MO ANG
BREAKING THE DANGEROUS' WALL
ActionHe is mysterious, or should I say REALLY MYSTERIOUS You don't know who he really is. You don't know what he really is. You might say he's innocent but you're wrong he's dangerous VERY DANGEROUS!! Don't be fooled by his physical appearance because y...