Skye's POV
Saan ko nga ba narinig ang Monteverde Mafia?
Zzzzzt!! Zzzzzt!! Zzzzzt!!
*Tarantadong Ulul*~calling
Si Azrael yan. Haha. Bagay naman sa kanya hindi ba.
"Oh."
("Where the hell are you?")
"Nasa bahay palang. Bakit?"
("Let's talk.")
"May pasok ako ngayon."
("I don't care.")
Ang lakas maka-bad influence nito. Tsk.
("Hey.")
"Mamaya nalang. Tsk. Bagsak na ako sa lahat ng subject ko. Walang hiya ka."
("Okay. ")
" Nasan ka ba?"
("At your school.")
"Ano!! T-teka hintayin mo ako diyan!!"
*toot toot toot*
Kung minamalas ka nga naman talaga eh noh. Para akong tanga habang tumatakbo. Kung alam ko lang kasing nandoon na siya eh di ginamit ko na sana yung motor ko. Tsk.
Hindi kasi ako sanay na pumunta sa school gamit ang sasakyan ko. Madalas akong nagpapasundo kay Kira.
Hingal hingal akong kumapit sa poste habang nasa tuhod ko naman ang isa kong kamay. Sa wakas nakarating din.
Pagtingin ko sa labas ng gate ng school namin. Isang tarantadong ulul lang naman ang nakita ko na may kasamang peste.
Tsk. Eh bakit ganyan reaksiyon mo.
Gusto kong iuntog ang ulo ko sa poste.
Lalapit na sana ako pero isang hindi ko inaasahan ang nangyari. Nakatitig lang ako sa kanila habang sila naman ay nagpapakasaya. Hah! Sa tingin mo maniniwala pa ako sa iyo Azrael!
Kahit gustong-gusto ko na siyang sapakin, pinigilan ko. Ano ba ako sa kanya. Langya.
Hindi ko alam kung bakit parang unti-unting sumisikip ang paghinga ko. Hindi ko alam kung bakit ko pinipigilan ang mga luhang gustong lumabas sa mata ko. Hah! Hindi ko alam kung bakit ko nararamdaman ito.
Kusang gumalaw ang mga paa ko papalapit sa kanila. Huminga muna ako ng ilang beses dahil parang wala na ata akong boses.
"Ano ba ang paguusapan natin?" Cold kong tanong sa kanya. Tsk. Tignan mo Ingrid, naabala mo pa sila. "I-ingrid?" Tila hindi makapaniwalang tanong niya. "Sabihin mo na kung ano ang pakay mo at maipagpatuloy niyo ang naudlot niy-"
"Its not what you think."
Tang*na. Ngayon ako pa ang mali. Grabe! Ang magtukahan sila sa labas ng school sa tingin nila ako lang ang nakakita.
Gusto ko siyang sampalin para lang maipamukha sa kanyang hindi ako tanga!!
Nagulat nalang ako ng bigla niyang hawakan ang mukha ko. "Let me explain first okay." Nakatingin lang ako sa mata niya habang siya naman ay nakatitig sa akin.
"R-rael who is s-she?" Tila naguguluhang tanong nung babae. "What are you still doing here Lira!? Get lost or else I will kill you."nakakakilabot ang boses niya. Tsk.
Alam ko na to eh. Napanuod ko na ang mga ganitong eksena. Tsk.
" Ano ba talaga ang paguusapan natin? "Ulit ko.
Pero imbis na sagutin niya ang tanong ko ngumisi lang siya ng nakakaloko. Ano ba ang nangyayari sa taong to?
" Tsk. Kung nauulul ka na. Sana sinabi mo para hindi mo na sana pinaalis ang babaeng kagaya mo... " pero bigla akong napasinghap ng yakapin niya ako. "H-hoy! Lumayo ka nga!"sabi ko sabay tulak.
" Wait... they might see me."naguguluhan man ako ay wala na akong nagawa. Pero ilang sandali isang mahinang tawa ang narinig ko. "Walang hiya ka talaga. " sabi ko at hindi ko alam kung bakit ako yumakap pabalik.
"You're jealous. Am I right?"
"Subukan mo ipakita sa iba yan Azrael malilintikan ka sakin."
"Hahaha. Don't worry I won't."
------------------------------------------------------
Don't forget to vote and comment.. Thank you!!!xoxo jhellgee
BINABASA MO ANG
BREAKING THE DANGEROUS' WALL
ActionHe is mysterious, or should I say REALLY MYSTERIOUS You don't know who he really is. You don't know what he really is. You might say he's innocent but you're wrong he's dangerous VERY DANGEROUS!! Don't be fooled by his physical appearance because y...