Chapter 17 : Officially Yours

1 0 0
                                    

Skye's POV

Grabe napakaganda. Wala na akong masasabi. Kanina pa ako lulang -lula sa kagandahan ng bahay na to.

"Don't worry. Dito ka rin naman titira eh." Biglang sabi ni Azrael. "Tsk. Nilalagnat ka ata. Kung ano-ano nalang sinasabi mo." Sagot ko naman.

Hindi pa rin ako nakakamove-on sa ahas na yun. Haha. Para akong tanga kanina. Alaga pala niya yun. Muntik ko pang tadyakan.

"Sit here. Parating na sila." Nagulat pa ako ng buhatin niya ako sa upuan. Walang hiya na naman. Nakakahiya!!!!

"What are you doing?" Tanong niya. Pero hinampas ko lang siya. "Ikaw. Tsk. " namumula na siguro ako." Haha beautiful. "

"O my gosh. Subukan mong ideny. Makakatikim ka sakin." Sabi ko at hinawakan ang magkabila niyang pisnge. "Bakit may ganito ka samantalang sa akin wala." Sabi ko na inuusisa ang mga dimples niya.

"Ehem." Bigla akong napatayo ng tuwid at hinanda ang kamao ko. Pero isang napakagwapo at napakagandang lalaki't babae ang nasa harapan ko."Ah. Hehe. Sorry po, nagulat po kasi ako eh."

"No its okay." Hooo. Nakakatakot ang aura nila. "Is she your wife?" Napanganga nalang ako sa tanong ng lalaki.

"No sir, you might be mist-"

"Yes, dad." Bigla nalang ako napatingin sa kanya ng sabihin niya iyon. Tsaka ano raw? DAD! As in ama niya to.

"No sir, actually its not like that...um..Paano ba to-"

"Don't tell me, nabuntis mo ang batang to Azrael!"

"Mom!"

"What!?" Sabay naming sigaw ni Azrael. Tinignan ko siya at binigyan ng nakakapatay na tingin. "Hindi po. Ahm... Nandito po kami para ipaalam sa inyo na..." Tinignan ko muna si Azrael tsaka ko inapakan ang paa niya sa ilalim ng lamesa. Kitang-kita ko namang napangiwi siya. "I-I'm officially h-his g-girlfriend."Halos hindi ko na masabi sabi ng tama dahil hindi naman totoo. Walang hiya. Sumabit pa ako dito. Yari ka sa akin mamaya Azrael Cortez.

" And soon to be my wife."Ano bang pinagsasabi nito. "Ano ka-"

"Okay that's settled then. Azrael don't let this beautiful girl get hurt. I like her."

Hindi ko naman inaasahang sasabihin yun ng ama niya. "Ms. Skye I don't want my son getting hurt too. So please take care of him. " what!!!?

"Huh? Teka lang p-"

"We need to go. Malapit na flight namin. " sabi ni Mr. Cortez. "Don't let your guard down ,son." sabi naman ni Mrs. Cortez.

"Yeah. Take care."

"Wait! I don't even know your name." Nakayukong usal ko.

"Oh? Is that so.... I'm Ariel and this is Zack short for Zacharias." Si Mrs. Ariel na ang nagsalita. Now I know.

"Okay. See you."

Hinatid ko pa ng tingin ang mag-asawa hanggang sila ay mawala.

"So. You are now mine." Napatingin ako bigla kay Azrael ng sabihin.

"Walang hiya ka!!" Galit na sabi ko at agad na sinugod siya. Binigyan ko siya ng isang malakas na suntok pero nagulat ako ng hindi siya umilag. Eksakto pa naman sa labi niya. "Tsk. Bakit hindi ka umilag!?"

"I won't."

"Bobo ka ba! Edi masasaktan ka!"

"Tsk." Singhal niya tsaka pinunasan ang dugo na lumabas. "You'll going to pay for these. "

"Huh? Te-teka naman. Ha-haha." Kinakabahang sabi ko.

Napapikit nalang ako ng lumapit siya ng todo sa akin. Yung tipong maduduling ka na sa sobrang lapit niya.

"From now on. You are mine. Mine alone. "



------------------------------------------------------
xoxo jhellgee

BREAKING THE DANGEROUS' WALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon