Skye's POV
"Ms. Enriques!!" Napatayo ako bigla dahil sa gulat. "P-po! Asan? Asan ang sunog?!"
"Hahahaha!!!" Napatingin ako sa mga kaklase ko ng sabay-sabay silang tumawa.
"What are you talking about Ms. Enriques? Anong sunog ang pinagsasabi mo?" Walang hiya ka Azrael. Kasalanan mo na naman ito. "Guidance office. Now!!"
"Te-teka lang ma'am—"
Zzzzzt!! Zzzzzt!!
Napatingin ako sa phone ko ng bigla itong magvibrate.
"Give me your phone." Utos niya sa akin. Napalunok ako dahil sa talas ng tingin niya sa akin. "GIVE. ME. YOUR. PHONE." Napapikit nalang ako at walang nagawa kundi ibigay sa kanya.
"Kira?....so siya pala ang gumugulo sayo." Hindi makapaniwalang usal niya. Tsk. Huwag mong hintayin na mawalan ako ng respeto sayo. "Oh! Miss ka na daw niya. Aba matindi!"
Padabog kong kinuha ang bag ko at naglakad papalapit sa kanya.
"What do you think your doing?" Hamon niya sa akin. Tsk. Pasalamat ka dahil nangako ako kung hindi.....araw-araw siguro akong magiging sakit ng ulo sa inyo.
Dahan dahan kong kinuha ang phone ko sa kamay niya. "Sa pagkakaalala ko ma'am.... Kayo mismo ang nagturo sa amin ng 'mind your own business' hindi po ba?"
"GUIDANCE OFFICE NOW!!!" napayuko nalang ako at nagsimulang maglakad palabas ng room. Tsk. Guidance office... utot mo!!
"Oh!Miss Enriques! Dismissal niyo na ba?" Tanong sakin ni Sir Riku. "Hindi pa Sir." Walang ganang sagot ko. "Oh eh... Bakit ka nasa labas?"
"Tsk. Ewan ko ba dun. Ang lakas ng trip niya, hindi nalang sabihin kung ano ang gagawin ko.... Akalain mo yun... tatawagin niya ako tapos sasabihin niyang 'get out now'. Tsk. Buraot."
BINABASA MO ANG
BREAKING THE DANGEROUS' WALL
ActionHe is mysterious, or should I say REALLY MYSTERIOUS You don't know who he really is. You don't know what he really is. You might say he's innocent but you're wrong he's dangerous VERY DANGEROUS!! Don't be fooled by his physical appearance because y...