Chapter 11 : Steven Hernandez

7 1 0
                                    

Skye's POV

Haiiys. Monday na naman. Nandito ako ngayon sa street naglalakad. Hindi na ako nagpahatid sa kanila kahit ayaw talaga nila akong maglakad. I'm already a 3rd year college while Kuya Thunder had already a business and currently he is the CEO of it. Ate Heaven also working in a company or should I say our company being the vice president of it. Kenneath is taking care of all our parents businesses. I know that wala man lang akong naitutulong sa kanila but they say that I will finish first my studies and ibibigay raw nila sa akin lahat ng shares ko.

Wala naman akong pakielam. I will build soon my own company using my own money. Kenneath graduated first in the age of 17 in States. Gayundin si ate Heaven. Night is currently in grade 10. On this coming October he is now turning 16.

"Walang hiya kung minamalas ka nga naman eh no." Bulong ko sa sarili ko.

"Oh kumusta ka na Ise!"

(A/n:It is pronounced as Ice. Hehe)

"Oooh, buhay ka pa pala."nang-aasar na sabi ko.

" Hanggang ngayon ang yabang mo pa rin. "

"Well ganyan talaga. O sha mauuna na ako."

"Hindi ko alam na matino ka na pala."

Nginisihan ko siya bago magsalita. " Pero ikaw basura ka pa rin hanggang ngayon."

Tsk. Tsk. Tsk. Ngayon tignan natin kung ano ang masasabi mo.

"Kailan lang noong panahong kasama mo akong nakikipagbasag-ulo....haha nakaka-miss pala yun."

"Hay naku  Steven... Naospital kana't lahat lahat ,yun pa rin iniisip mo."

Siya si Steven Hernandez dating kasamahan ko sa grupo.

"Yun ay kasalanan mo. Kung nakinig ka lang sa amin hindi ako mapapahamak."

Oo. Kasalanan ko. Kung hindi lang ako nagpadalos-dalos hindi sana siya ma-oospital.

"Pero hindi kita sinisisi. Alam ko namang napakalaki ng kasalanan nila sa iyo. Pero sana pag-isipan mo muna bago ka sumugod dahil kahit kailan hinding hindi ka mananalo kapag galit ang pina-iiral mo."

Doon na lumambot ang tuhod ko na parang gusto na nitong matumba pero pinigilan ko. Nakipagtitigan ako sa kanya at talagang makikita mo sa kanyang mukha ang sari-saring emosyon. Lungkot, saya, pagkadismaya, galit, at pangungulila.

Ang gwapo at maamo niyang mukha, ang napakakulit at prangka niyang ugali. Ang dating manliligaw ko na ngayon ay galit na sa akin. Lahat ng iyon ay kasalanan ko. Nawala ang taong matagal ko ng gusto ng dahil sa pagkakamali ko.

"Umalis ka na. Dahil ang isang basurang katulad ko ay hindi dapat nakikipag-usap sa iyo. "

Napakasakit sa pandinig na aminin niyang isa siyang basura. Hindi ko naman sinasadyang sabihin sa kanya yun eh.

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad palayo sa kanya. Lahat ng maganda naming ala-ala ay sinira ko.

"Pero sana hayaan mong protektahan kita dahil hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote mo na kalabanin ang isang kinatatakutan nilang nilalang."

Napahinto ako dahil sa sinabi niya. Napa-isip pa ako kung ano ang pinagsasabi niya. Matapos magsink-in sa utak ko ang nais niyang iparating ay napaharap ako sa kanya pero isang pulang rosas lang ang nakita ko.

Dalawang taon kang hindi nagpakita sa akin. Kaya hindi mo aasahang maganda ang isasalubong ko sa iyo. Hindi ka man lang nagpaalam. At hindi mo alam kung gaano ako nasaktan nung nalaman kong napahamak ka.

"Ano bang pinagsasabi mo Steven Hernandez."

------------------------------------------------------xoxo jhellgee

BREAKING THE DANGEROUS' WALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon