Skye's POV
Nagising ako dahil sa liwanag na nagmumula sa labas. Tsk. Huwebes na pala. Kahit hindi maganda ang pakiramdam ko, tumayo parin ako para maligo. Hindi pa ako nakakaganti sayo Azrael kaya magpakasaya kana.
Bahagya pa akong napatigil dahil sa naisip ko. Haha. Wala pala siyang happiness sa katawan...Kumapit ako sa sink ng bahagya akong mahilo. Akala ko hindi ako tinatablan ng sakit. Tsk. Ganito pala ang feeling.
" Skye bilisan mo diyan.!" Sigaw ni ate Heaven sa labas. Hindi ko mapigilang maalala ang nangyari kagabi. Isang batok galing kay kuya Thunder, isang kurot galing kay ate Heaven, isang irap ang galing kay Night buti nalang pinigilan kong hindi siya batukan, at isang mahigpit na yakap galing kay Kenneath.
Napakasaya ko dahil nandiyan parin sila sa tabi ko."Hindi ka pa ba tapos diyan Ingrid?" Pansin ko ang inis sa boses niya kaya tinali ko nalang paitaas ang buhok pagkatapos kong iblower mahirap na baka mas lalong sasakit ang ulo ko kapag tinali kong basa.
"Tara na." Tsk. Mapapaos pa yata ako.
"You look pale, are you okay?" Napangiti na lang ako dahil sa reaksiyong nasa mukha niya. Sa akin niya lang pinapakita ang ganyang side niya. " Okay lang ako. Tara na." Sabi ko sabay kawit ng kamay ko sa braso niya.
"You're hot."
"Haha alam ko."
"Tsk. I mean you're sick."
"Kaya ko pa naman."
Narinig ko pa siyang bumuntong-hininga bago hinawakan ang magkabila kong balikat. "Hindi mo pa sinasabi sa akin kung paano ka nakarating doon Ingrid. "
"Late na ako Kenneath."
" Hindi mo ako malilihiman Ingrid. "
"Tsk. Oo na. Sasabihin ko mamaya. Tayo na dahil malelate na talaga ako."
•••••••••
Pagkatapos akong ibaba kanina ni Kenneath hinintay ko pa siyang maka-alis bago ako pumara ng taxi at pumunta sa Ashton University.
Tsk. Papunta na ako diyan Azrael. Hintayin mo ako.
" Salamat po kuya."Sabi ko at pumunta sa gate ng University.
" Miss may kailangan ka?"Tanong ng guard at sinuri pa ako mula ulo hanggang paa.
"Ah. Kuya dadalawin ko lang po ang kaibigan ko si Azriel Cortez."
Alam kong hindi ako pinaniniwalaan ng guard kaya kunwari kong tinawagan si Riel.
" Hello Riel. Bibisitahin sana kita kaso hindi -"
"Ay. Miss pasok na pala kayo. "
Ngumisi naman ako at in off ang cellphone ko at ibinulsa.
"Salamat kuya. Sige." Tsk. Ang boses ko. Ang pangit na.
Nilibot ko ang aking paningin sa kabuuan ng university.Tsk. Ibang klase talaga ang mga Cortez. Nagtataka ba kayo kung bakit parang natakot yung guard kanina. Well. Ang Dad lang naman nila ang may-ari ng paaralang ito.
Kanina pa ako libot ng libot pero para akong batang nawawala.
"Shit. Pare si ISE. "
"Siya pala yun. Ang ganda nga niya."
"Paano yan nakapasok. Manggugulo ba yan?"
"Taena anong ginagawa niya dito?"
"Tingnan mo bes nandito si Skye."
Wow. Hindi ko alam sikat pala ako. Pero tang*na , yung pangalan ko paano nila yun nalaman. ISE? Matagal na pala kitang hindi ginamit.
"Anong ginagawa ng isang ISE dito?" Napadiretso ako ng tayo ng makitang may mga babaeng nasa harap ko. " Pake mo." Sabi ko sabay irap. Sila ang mga babaeng natalo ko noong sport fest.
"Baka nakakalimutan mo, nasa teritoryo ka namin."
"Baka nakakalimutan niyo kung sino ang kaharap niyo."
" Pumunta ka lang ba dito para mag-gain ng fans mo. Well hindi na ako magtataka, attention seeker."
"Pwede ba lumayo-layo ka. Tsk. Attention seeker? Sinabi ko bang pansinin niyo ako. "
" And why the hell are you here?" Nandito na pala ang kailangan ko. Sige uumpisahan ko na.
"Hindi mo ba ako na-miss.... Kasi ako.....
*Blag!*
............miss na kita."
------------------------------------------------------
xoxo jhellgee
BINABASA MO ANG
BREAKING THE DANGEROUS' WALL
ActionHe is mysterious, or should I say REALLY MYSTERIOUS You don't know who he really is. You don't know what he really is. You might say he's innocent but you're wrong he's dangerous VERY DANGEROUS!! Don't be fooled by his physical appearance because y...