Chapter 6 : Siblings

8 3 0
                                    

Skye's POV

Hindi ko inakalang ganito siya kasama. Umiling nalang ako dahil sa iniisip ko. Nakita ko kung paano lumambot ang mukha niya ng isigaw ko yun.

Hah! Bakit ko ba talaga isinigaw yon eh totoo naman. Tsk.

Pabalik na kami ngayon sa bahay namin gamit ang kotse niya. Hindi ko kayang makita ang pagmumukha niya. Nakakagalit.
Nakakainsulto. Nakakadiri.

"You don't have to be surprise." Nalaglag ang panga ko dahil sa sinabi niya. "Tsk. Bobo. Eh yun yung surpresa mo tapos sasabihin mong 'you don't have to be surprise' sinong ginago mo." Sabi ko habang nakangisi.

"That is not my surprise."

"Tsk. The hell I care. Bilisan mo naaalibadbaran ako sa pagmumukha mo."

Pero nagulat nalang ako ng bigla niyang ihinto ang kotse.

"Nobody can demand me. Get out." Tinignan ko siya ng hindi makapaniwala. Gago ba to. Anong oras na at alam kong nag-aalala na ang mga kapatid ko at dito niya ako ibababa!

"Ayoko. Ikaw ang nagdala sa akin dito kaya ikaw rin ang mag-uuwi sa akin."

"I said. Get.Out."

"Tsk. Huwag mo ng dagdagan ang kasalanan mo sa akin. Masyado na iyong marami. "

"Who cares."

"Iuwi mo na ako. Gabi na at baka may mangyaring masama sa akin. Kasalanan mo na naman."

" I.Don't. Care. "

Sabay tulak niya sa akin palabas ng kotse niya. Napahiyaw pa ako dahil sa sakit ng pagkakabagsak ko.

Walang hiya. Matapos niya akong dalhin dito. Ito ang gagawin niya. Huwag ka lang magpapakita sa akin. Hindi mo ako kilala.

Napangiwi ako ng makitang nagkasugat ang palad ko. Mabundol ka sana!!! Sigaw ko sa aking isipan habang pinapanood ang sasakyan niya na naglalaho sa dilim.

Bahagya kong sinipa ang bato na nasa gilid ng daan dahil sa inis ko. Wala bang dumadaan ditong sasakyan?

Mas lalong nadagdagan ang inis ko ng biglang umulan ng pagkalakas lakas. Bakit ba ang malas ko naman ata ngayon? Kasalanan to ng kumag na yon. Wala pa namang masisilungan dito.

Isang posteng nakailaw lang ang nariritong nakikita ko. Napakalamig. Napakatahimik. Ang pagbagsak lang ng ulan ang naririnig ko.

Zzzzzt!!! Zzzzzt!!! Zzzzzt !!!

"Anak ka ng tipaklong!!"

Bigla kong sigaw ng magvibrate ang phone. Bigla naman akong nabuhayan ng pag-asa.

Tsk. Nandiyan ka naman pala eh. Bakit hindi ka nagsasalita edi kanina pa sana tayo nakauwi. Tsk .tsk. tsk.

"Oh"

(" Ano ba Skye!? Saan ka ba nagsususuot!?")

"Night? Nakauwi na kayo?"

("Akin na.....Hoy babae ka umuwi ka na. ")

" Ate H-heaven?

("Tsk. Nasaan ka ba?")

Bigla nalang nangilid ang luha ko ng marinig ang mga boses nila. Lalong lalo na ang boses ni Kenneath na suminghal lang.

("Ingrid Skye Enriques nasaan ka? Magsalita ka nga—Teka umiiyak ka ba!?")

"Kuyaaaaa.... Walang sasakyan dito..."

(" Nasaan ka?")

Mahinahong tanong ni kuya Thunder. Ang panganay kong kapatid.

" Hindi ko alam kung nasaan ako. Basta ang nakikita ko lang ay iisang poste —"

("Alam ko na kung nasaan ka. Hintayin mo ako diyan. Huwag kang aalis.")

Tumango naman ako kahit alam kong hindi niya ako nakikita. Giniginaw na ako at basang basa na rin.

Pagbabayaran mo to Azrael. Nagkamali ka. Kayang kaya kitang patayin sa paraan na gusto ko pero ayoko hindi ako katulad mo.

------------------------------------------------------
xoxo jhellgee

BREAKING THE DANGEROUS' WALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon