Chapter 14 : Reject

3 0 0
                                    

Skye's POV

"What the hell."

Hindi ko maiwasang mapamura dahil sa mga pinagsasabi niya. "May sakit ka ba?" Tanong ko na hinawakan pa mismo ang noo niya. "Tsk. Wala naman ah. Ano bang pinagsasabi mo, huh?"

"Tss. You really are idiot." Aba't walang hiya to ah.

Huwag mong sabihing....

Tinignan ko ng seryoso ang mukha niya. Tsk. Nadali na.

"Huwag kang magkakagusto sa akin, naiintindihan mo." Seryosong sabi ko sa kanya. Nakita ko namang lumambot ang mukha niya. Walang hiya. Ang isang kinatatakutan nilang nilalang ay nagkagusto sa akin. Eh kailan lang noong gusto niya akong patayin. Tang*na.

"Umalis na kayo. Wala kayong mapapala dito." Bahagya pa akong umatras matapos kong sabihin iyon.

Hahawakan na niya sana ako pero mabilis akong umiwas. Yumuko naman siya. Hindi ko alam kung bakit ako nasaktan ng bigla siyang yumuko. Umangat ang ulo niya at ngayon walang kahit isang emosyong mababasa sa mata niya.

Kingina. Ano yung naramdaman ko.

"Skye!!"

Napatingin ako sa kung sino ang tumawag sa akin. "Steven?"

Ano namang ginagawa ng isang to dito.

"Right." Biglang usal ni Azrael habang nakangisi.

Pinuntahan ko siya at nagulat ng makitang may pasa siya sa mukha. " Thank goodness. "Sabi niya at yinakap ako.

Hindi ko pinansin ang mga matang nakatitig sa amin at gulat paring nakatingin kay Steven.

" Sinaktan ka ba niya, huh? Tell me baby."

Napasulyap naman ako kay Azrael na nakatitig pala sa akin. Kitang-kita ko ang sakit na mabilis na nawala sa mata niya at napalitan ng blangko. Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ako na sasaktan habang nakatingin sa lalaking mula sa una palang ay kaaway ko na.

"Hey, are you okay?Sinaktan ka ba nil—"

"H-hindi." Ako ang nakasakit. Peste.

Nagulat na naman ako ng biglang sumugod si Steven kay Azrael. Shit. Ano naman ang iniisip ng lalaking to. 

"Stop. Huwag mong sabihing bubugbugin mo ang lalaking yan?" Sabi ko."Hindi ko lang siya bubugbugin, papatayin ko siya."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Mabilis ko siyang hinarangan. Nasa likod ko lang si Azrael na hanggang ngayon hindi pa rin umaalis.

"Don't you ever dare to do that Steven Hernandez." Mariing sabi ko. Tsk. Eh kung ikaw ang mapatay walang hiya.

"Let him, Ingrid." Alam kong nakangisi ngayon ang lalaking to pero inapakan ko lang ang paa niya.

"Move Skye. Let me punch that jerk's face for hurting you."

"I said he didn't hurt me. I was the one."

"Enough with that shit." Sabi ni Azrael at hinawakan pa ako sa kamay. "And I want you to come with me. Hey you! " turo niya sa isang kasamahan niya."I want you to handle this asshole. "

At hinila na niya ako. Bwiset. Kaya kong maglakad!! "Saan mo na naman ako dadalhin!?"

Pero hindi niya ako sinagot. "Ano ba!!! Kung dadalhin mo na naman ako sa impyernong lugar na yun. Ikaw na lang!"

"What are you talking about!? Of course not."pero inirapan ko lang siya.

" Mabuti naman kung ganon. "

"Tsk. Don't think too much. "

"Saan mo ba kasi ako dadalhing gago ka."

"You really have a bad mouth. Do you want be to get rid of that." Sabi niya habang lumalapit sa akin.

"Subukan mo babasagin ko talaga yang nguso mo." Alam kong pulang-pula na ako.

" Haha you're cute. "

"Holy mother of earth.. Tumawa ka na naman?"

------------------------------------------------------
xoxo jhellgee

BREAKING THE DANGEROUS' WALLTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon