Chapter 1

6.3K 51 7
                                    

"I can't live without you Janine..Please,stay with me.."wika ni Elmo sa Girlfriend na si Janine habang nasa Airport sila.Mas hinigpitan ni Elmo ang pagkakayakap niya.Nag pumiglas si Janine at tinulak ang binata palayo sa kanya.

"I know..But Moe,Please Naman..understand my situation.Im doing this for my family and especially,for myself." sagot ni Janine. She walked away but Elmo grabbed her hand and kneeled. "Janine,Marry me.. Be my wife.Stay with me."He was crying and begging for her to stay. Parang wala sa sarili.Kinalimutan ang lahat at handang ibigay kahit ano manatili lang sa piling nya ang nobya.

"Im Sorry, Moe! I.. I dont love you anymore.Let's end this." Hinila nya ang kamay at tinalikuran si Elmo.Umalis ito ng hindi ipinaliwanag sa dating nobyo ang Tunay na dahilan.Hindi matanggap ng binata ang narinig.Pilit nitong sinasabi sa sarili na Panaginip lamang ang lahat at maaring sinabi lamang ni Janine iyon upang makaalis.

Lumipas ang ilang araw, wala pa ring mensahe o tawag mula sa dalaga.Halos mabaliw sa kaiisip si Elmo ng paraan para ma-contact lamang si Janine.Hanggang sa maisip na niyang gumawa ng paraan para makapunta sa America.

Pinuntahan nya sa opisina ang kanyang Ama na si Francisco Magalona.Isang sikat na Singer,Vj,Host, at Businessman.Hindi sila malapit sa isa't isa dahil nung pumanaw ang kanyang ina, iniwan sya ng kanyang Ama sa pinakamamahal niyang Lola.Ganun pa man, Suportado siya nito Financially.

Elmo knocked the door.

FM: Come in!

Elmo: Pop, I need  to talk to you.

FM: We're talking. If this is about your Ex Girlfriend,I'm telling you..She's with someone else.You know the Actor? Alden Richards?

Elmo: Pwede ba Pop..Wag mo na syang siraan sa akin.Kilala ko ang Girlfriend ko.Tapos na sila ni Alden.

FM: Moe,Wala akong dahilan para siraan sya.Kaibigan ko ang tatay ni Janine.Kung ayaw mong maniwala,FINE.. Papayagan kitang pumunta dun para makita mo ang sinasabi ko.In one condition..

Elmo:  What is it?

FM: Kapag nakita mo na ang lahat, babalik ka..You'll return at tatapusin mo ang pag aaral mo and then pag aaralan mo kung paano patakbuhin ang business ko.

Elmo: Deal.

After 2 days, pumunta si Elmo sa States para alamin ang totoo.Hindi sya nabigo sa kanyang sadya roon.Nakita nya si Janine.ngunit may kasama itong ibang lalake palabas ng isang Diner.Si Alden,ang Ex Boyfriend nito.

Hindi makapaniwala si Elmo sa nakita.Hindi nya sukat akalain na magagawa ng nobya ang lokohin sya. "Bakit??Ano pa bang kulang?hindi ba't ginawa ko na ang lahat?Paano mo nagawa to sa akin?" tumulo ang luha sa kanyang mga mata.Habang ang kanyang mga kamay ay nanginginig sa galit.

Tumuloy sya sa bahay ng kanyang pinsan na si Kristoffer.Halos magkapatid na ang dalawa dahil pareho silang lumaki sa lola nila.Ngunit dahil ang nanay nito ay isang Surgeon sa America at ninais nyang sundan ang yapak nito,nagpasya sya na doon muna mag aral ng medisina.

Nanibago si Kris sa kinilos ng kanyang pinsan.Bihira itong mag aya uminom at nakita nyang malungkot ang mga mata nito.

Kris: Aminin mo man o hindi,May problema ka.Nararamdaman ko yun,Moe.

Elmo: Haha.Para talaga tayong kambal.Alam na alam mo ang napi-feel ko.

Kris: So,ano nga? Wala na kayo? nagising ka na?

Elmo: Yeah. iniwan na ko ni Janine.Walang explanation.

Kris: Dude, showbiz yang Ex mo mula pa noon at matagal na sila ni Alden.Pero alam mo na, sa industry nila..kailangan nila itago ang mga relasyon especially kung mapapahamak ang career.

Elmo: Alam ko naman yun.So,anong ibig mo sabihin dun?

Kris: They used you.

Elmo: Saan mo naman nalaman yan?

Kris: Sa GF ko.Kay Joyce.Barkada nya yang mga yan.Dati ko pa naman sinasabi sayo eh.You never listen.

Elmo: I dont know what to say.Di ko akalain magagawa niya sa akin toh!I trusted her!

Kris: Tama na,Moe.Just move on.Ipakita mo sa kanya na nagkamali sya na iniwan ka nya.Show her that you're better without her.

Elmo: Thanks,Kris.Hindi ka nagsasawang magtyaga sa tulad ko.

Kris: Ikaw pa!Malakas ka sa akin eh.Basta pag Pilot ka na,libre mo ko pang around the world huh?hahahaha

Elmo: Sige kahit pang outer space pa!

And they both laughed hard.

After 3 days,bumalik na si Elmo sa Pilipinas.Bitbit sa kanyang puso ang galit at hinanakit na ginawa ng pag ibig.Nawalan sya ng tiwala sa lahat ng Babae.Tingin nya lahat ng mga ito'y lolokohin sya.

Agad itong pinatawag ng kanyang Ama.At mukhang seryoso ito.

FM: So napatunayan mo bang niloloko lang kita?

Elmo: Shut up,Pop.Just tell me what you want me to do.

FM: Okay.Elmo,Aside from knowing to manage this business someday,I want you to enter Showbiz.

Elmo: Whaat?? Pop,I just came from a failed relationship at wala pa akong time para mag relax.pwede ba?

FM: Relax?? Dont worry.Di ka mapapagod dahil titira ka lang sa isang bahay.Reality show.

Elmo: big brother?

FM: nope.dalawa lang kayong magkakasama sa isang bubong.

Elmo: Hay naku.You never asked me kung gusto ko sumali.

FM: You dont have a choice.Besides,250 Days lang yun.makakalabas naman kayo ng bahay.Susundan lang kayo lagi ng camera.

Elmo: Pfft. okay.

Malaking challenge ito para sa kanya dahil nasanay sya na hindi sinusundan ng camera.Kahit na isang sikat na singer ang kanyang Ama, Hindi ito ipinakilala sa Show Business tulad ng ibang mga Anak ng artista. Nais kasi ng kanyang ina na magkaroon ito ng kalayaan at mamuhay bilang normal na tao.

Sa pag uwi ni Elmo, Agad nyang naisip ang lahat ng napag daanan niya.Nag mahal,naging maligaya,Nasaktan, at nabigo.Isang prosesong pinagdaraanan ng mga taong nagmamahal at binibigay ang lahat para sa taong iniibig.

Naisipan nyang itapon lahat ng mga bagay na nagpapaalala sa kanya tungkol kay Janine.Ito ang unang naisip nyang hakbang tungo sa dakilang Pagmo- Move on.

Flying kiss (Julielmo Fan Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon