Kapitulo Uno

16.2K 340 360
                                    



A/N: As a promise to the winner of my pakwela last time! Here you go!

**



"Why is it so hot in the Philippines? I think I'm gonna burn!"

"Will you shut your mouth for once, Babelita? You've been living here for 23 years already, ngayon ka pa lang nagrereklamo?" I snapped at her. Ang ingay-ingay, hindi ako nakakapag-concentrate sa ginagawa kong paghahalo ng mga chemicals. "Gawin mo na lang 'yong pinapagawa ni Apollo sa 'yo at nang may silbi ka naman sa lipunan."

Ngumuso siya na parang bata at nagpapadyak na pumunta sa harap ko. Nasa laboratory kami ng pinsan kong si Apollo para tulungan siyang magresolba ng problema sa mga tanim niyang tinamaan daw ng kakaibang sakit. "Ano bang gagawin ko dito?" tukoy niya sa mga paraphernalia na nasa harap niya.

"Try mong kainin, tapos tingnan natin kung mabubusog ka." Pamimilosopo ko. Nakukulele na kasi tainga ko sa kakadaldal niya. Plus, I can't really focus when she's talking. "Ugh, just do it nalang, Babe at nang makaalis na tayo sa creepy lab na ito." Yes, it's very creepy. It looks like a laboratory of a mad science professor. At ayaw ko sa mga ganitong lugar but I've got no choice dahil pinsan ko si Apollo at may karapatan siyang gumawa ng kung ano-anong building dito sa isla. "And why does she have to make a jungle at the back?"

Nagkibitbalikat siya at nag-umpisang maghalo ng mga kemikal, "...itanong mo nalang din sa pinsan mong nasobrahan sa katalinuhan, Orph."

Napailing ako at sumandal muna dahil tapos ko nang haluin ang mga kemikal na pinapahalo sa akin ni Apollo. Hindi ko alam sa babaeng 'yon at napili pang maging Wildlife Biologist tapos Agriculturist at iba pa. Sa pamilya talaga, may isang nakalunok ng sobrang katalinuhan. "Bilisan mo na, Babe, feeling ko lalabas na 'yong iguana na alaga ni Apollo sa cage." Tiningnan ko ang bawat naka-cage na mga hayop. Every time na magtatanong ako sa pinsan ko tungkol doon, ang haba-haba ng sagot niya at wala akong maintindihan ni isa. "Can you do it any faster?"

"Pwede bang huminahon ka muna?" she hissed at me. Mukhang nahihirapan siyang ihalin ang isang kemikal sa isang lalagyan dahil sa liit ng bukana nito. "Next time, hindi na talaga ako pupunta dito sa isla niyo kung ganito lang ang ipapagawa ninyo sa akin! I feel like this will be the death of me!"

I rolled my eyes. Ang arte-arte, pero deep inside kinikilig dahil nakita naman niya ang pinsan kong nasobrahan ng vitamins. "Done na ba?"

"Yes!" nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko aabutin pa kami dito ng ilang century bago siya matapos. "Tara na at bago pa tayo maabutan ni Polong dito!"

Tumango ako at naunang tumakbo palabas sa exit door ng laboratory. Dumaan kami sa likuran ng mansiyon kung saan naroon ang sanctuary na kasalukuyang pinapaggawa ni Apollo. Napahinto ako at napatingin sa babaeng kausap ng pinsan ko. "Kilala mo ba ang babaeng 'yon, Babe?"

"Alin – 'yong babaeng kausap ni Polong?" tumango ako. "Ah, oo, kilala ko siya! She's the president's daughter."

Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa babae. She looks familiar. "Magkakilala sila ni Apollo?"

"Siguro, ewan, bakit mo natanong?"

"Wala lang. Tara na at baka makita pa tayo ni Apollo, hindi na tayo makakabalik sa mainland." I took one last glance at the woman. Nagulat ako dahil nakatingin din siya sa gawi ko. She smiled at me and I find it weird. Inirapan ko siya at sumunod na kay Babe.

"Orpheus, you've got a mail." Inabot ko ang puting envelope na hawak ng kambal kong si Odysseus. I'm still sleepy. I really hate long trips, bugbog katawan ko sa sa puyat. "Where have you been last night? Nakita ka daw ni Percy na lumabas ng hatinggabi."

Eurydice MarianoWhere stories live. Discover now