Kapitulo Doce

6.1K 248 360
                                    

( A/N: Dedicated to @SnorelaxxPanda )

Orpheus Valerio

"Kailan ka aakyat ng ligaw sa akin?"

Napaubo ako ng malakas sa sinabi niya. Sino? Walang iba kundi si Eurydice Mariano. Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang ideyang 'yan. Nasa condo na naman niya kami ulit dahil dito niya kami pinatulog ni Babe kagabi. At katatapos ko lang ulit siyang kwentuhan tungkol sa babaeng nakita namin ni Babe last time.

"Just because I gave you flowers, manliligaw na agad?" taas-kilay kong tanong sa kaniya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko nang nakwento ang tungkol doon. "Bingi ka ba o ano? Ilang beses ko bang sabihin sa'yo na bigay iyan noong babaeng nakasabay namin sa elevator."

It's her turn to raise her brow. "Is that so?" nagbaling siya ng tingin kay Babe. Sinundan ko iyon ng tingin at nahuli kong sumesenyas ang magaling kong best friend. Aba't tinatraydor na ako. "Well, you can court me here or sa Calle Dyosa."

Marahas akong napabaling ulit ng tingin sa kaniya. Malapit na akong mairita. I've already told her a hundred times na hindi ako ang nagbigay ng bulaklak na iyon. Jusko! Two weeks ago pa iyon and she still didn't get it.

"I'm allergic to flowers!"

Sumabat si Babe, "Sinungaling ka talaga, Orphy." I glared at her. Ano bang pinagsasabi ng babaeng ito?  She should be supporting me at hindi ako nilalaglag sa iba. "Sa kaniya talaga galing 'yon, Madam Yuri. Nahihiya lang siyang umamin kasi nga 'di ba, Valerio's don't make ligaw."

"What the hell, Babelita Aneeta?!" I hissed at Babe. Kanina pa niya ako pinapahiya sa isang kasama namin. She's clearly enjoying it! "That's not true!"

"Hmm," napatingin ako kay Eurydice at napailing. Isa pa ito, naniniwala sa ka-echusan ni Babelita. "Maybe next week, pwede ka nang manligaw sa bahay ng parents ko. You can court me at my house for now."

This is so frustrating! I looked at her, sending hundreds of death glares. Hindi man lang natinag at sumipsip lang ng juice mula sa baso niya. Pumikit pa siya na parang ninanamnam ang bawat sandali. "Whatever." Hindi ko na sila pinansin pa at nagbasa nalang ng magazine.

Kinalabit ako ni Babe the Snake. Ang laki ng ngisi niya. Balimbing na Babelita, nakakanis siya! I can't believe this.

"Pack your things."

"Huh?" naguluhan ako sa sinabi niya. "What are you saying?"

"Just pack your things. Magkita nalang tayo sa plaza."

Ano na naman ba ang trip niya?

My protest was rejected. Pinamukha na naman niya sa akin ang deal namin doon sa may sapa. Argh! Sana pala hindi na ako nagbitaw ng mga salita at nang hindi ako na-i-stress ngayon.

"Sure ka bang dito tayo maghihintay?" That's her twentieth question. Nandito na kami ngayon sa plaza para hintayin si Eurydice. She insisted na tawagin ko nalang siya sa palayaw niya pero ayaw ko. Hindi kami close at ninakaw niya ang first kiss ko. "Orph, nagugutom ako."

"Tiisin mo." sabi ko sa kaniya. Bahala siyang magutom diyan. Binalingbing niya ako kaya magdusa siya.

Maya-maya pa ay may magarang sasakyan ang pumarada sa harapan namin. Heavy tinted ang mga bintana nito kaya hindi ko maaninag kung sino ang nagmamaneho nito. Siguro ang may-ari ay maloko. Kung may kababalaghan sa loob ng sasakyan, tiyak hindi agad makikita.

"What are you waiting for, Orpheus?"

Kumunot ang noo ko. Nakababa na pala ang bintana nito at ang driver ay walang iba kundi si Eurydice Mariano mismo. "Ay, ikaw pala?" Iba kasi ang sasakyan niya kaya 'di ko nahalata.

Eurydice MarianoWhere stories live. Discover now