Orpheus Valerio
Do I look like an agent? Alam kong maganda ako pero parang imposible naman 'yong sinabi ng president. Napasandal ako sa pader habang naupo sa gilid ng kalsada. That ride with the him made me think things. We talked a lot, I mean, he talked a lot, in which, siya lang ang nakakaintindi. Nakikinig lang ako sa kaniyang mga sinasabi hanggang sa naghiwalay ang mga landas namin.
"Agent Vulture."
What the hell? "Mr. President?" I thought it was a joke. Nandito talaga ako sa loob ng kotse kasama ang presidente ng Pilipinas. And it's scaring the hell out of me.
"How are you?"
Napalinga ako. May isang lalaki ang pumasok sa passenger seat. I assumed that he's one of his guards. "Uh," I cleared my throat. "I-I'm fine, I guess..."
"I see that you're having a good time with my daughter." Did I sense sarcasm on his voice? Umayos ako ng upo at tumingin sa kaniya. This is the first time I've come face to face with him. Sa mga diyaryo ko lang siya nakikita at sa TV. And to be honest, Eurydice is a spitting image of him but the girl version. "Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, Agent Vulture. Hindi sa ayaw ko ang pakikipaglapit mo sa anak ko pero sana ay unahin mo muna ang trabaho mo. When it's done, see me and we'll talk about it."
"Uhm..." How am I supposed to answer him? Ni hindi ko nga alam kung bakit niya ako tinatawag ni Agent Vulture, hindi naman ako 'yon. "O-okay..?"
He smiled at me. Geez, kahit sa ngiti ay magkapareha sila. "Sana'y nauunawan mo ako, hija. My daughter might be stubborn, but she will always be my little girl. I'll do everything I can to protect her." I agree with him. Kahit naman sinong mga magulang ay gagawin din 'yon. "Anyway," sinenyasan niya ang isang bodyguard niya at may inabot itong isang envelope na ibinigay naman sa akin, "maybe this will help you find them."
Ano kayang laman nito? I inspected the envelope. It's sealed. Isinilid ko nalang muna ito sa bag na dala ko. I need to call Babe, konti nalang masisiraan na ako ng utak.
"Orpheus Valerio." Nag-angat ako ng tingin para makita kung sino ang tumawag sa akin. Muntik na akong mapasigaw sa paglalapit ng mga mukha namin. "Can I talk to you?"
Nakamata lang ako sa kaniya. It's her. Ang babaeng nakasabay namin dati sa elavator. Siya din 'yong babaeng naglagay ng bulaklak sa tapat ng unit ni Eurydice. Pero parang nakita ko na siya bago pa 'yon, I just don't remember it. "Teka, paano mo ako nakilala? Sino ka? At bakit mo ako gustong kausapin? Hindi tayo close!"
"Follow me." There's no way that I would follow her. She has this scary vibe. Luminga siya sa akin at parang nagmamakaawa na sumunod ako sa kaniya.
I looked around to see if there are passersby. May mga tao namang naglalakad pero kakaunti lang. Nakipagtalo muna ako sa sarili ko kung susunod ba ako sa kaniya o hindi but the hell, baka may alam siya na makakatulong sa pag-iimbestiga namin ni Babe. Sumunod ako sa kaniya sa isang eskinita na walang katao-tao at nakakatakot dahil sa katahimikan.
I stopped and asked her, "ano pala ang sasabihin mo?"
Huminto din siya sa paglalakad at unti-unting luminga sa gawi ko. Nakasuot na naman siya ng hooded jacket na makapal. Geez, ang init na nga dito sa Pilipinas tapos nagsusuot pa siya ng ganiyan. "What do you want to know?"
"Anong kailangan mo sa akin?"
"I don't answer irrelevant questions."
"Excuse me?" Paanong naging irrelevant ang tanong ko? Sabunutan ko kaya siya. "Sabihin mo nalang kaya ang purpose mo sa pakikipag-usap sa akin, ano? Ang dami mong satsat, jusko. Busy ako, okay?"