Kapitulo Onse

4.9K 234 286
                                    

Orpheus Valerio

Sumasakit na ulo ko kakaisip ko kung anong meron sa pangalan ni Eurydice. I'm not even sure if this message is about or maybe other Eurydice. Pwede din siyang pangalan ng isang gusali o pwede ding pangalan ng isang kompaniya.

Ano ba talaga? Ano bang maeron sa Eurydice?

May kumalabit sa akin. When I raised my head, Babe's grinning face welcomed me. "Ngisi ka diya. Close tayo, 'te?"

Ngumuso siya. "Aba, dalawang oras ka nang nakatitig diyan sa pangalan ni generic ex mo. Nakalimutan mo na ako dito."

Sumandal ako sa upuan. "Tumigil ka nga diyan, hindi bagay sa iyo." lalo siyang napanguso. Tinutok ko nalang ulit ang konsentrasyon sa papel na hawak ko. I stared at it, thinking of the other things that are related to Eurydice.

And speaking of Eurydice, aba, hindi nagpaparamdam ang gaga. Mag-iisang buwan na ang nakalipas, pero ni walang isa akong text na natanggap mula sa kaniya. Ano bang silbi ng teleponong ibinigay niya sa akin? Parang tanga lang. She's a very big puzzle that I can't comprehend.

Dead na dead talaga ako
Sa mga pakembot-kembot mo
Kapag ikaw ay ngumingiti
Ako'y medyo nakikiliti

Kailangan ko ang iyong labi
Kailangan ko ang iyong pisngi
Kailan kaya kita maiuuwi
Sige na, sige na

Pahipo naman
Pahawak naman
Nang 'di na kita ma-tiyansingan

Nagsalubong ang mga kilay ko kay Babe. What is she doing?

"Come on, Orphy! It's your jam!" sinaway ko siya. Luka-lokang babae! Ang manyak ng kanta.

'Pag lumakad ka ika'y nakakatukso
Nakakabaliw ang bewang mo
Ako'y nadyadyaheng lumapit sa 'yo
Masyadong class ang mga porma mo

Nakakahiya siya. Mabuti nalang at kami lang ang tao dito sa Raj's kundi ipagkakaila ko talagang kaibigan ko siya. Kaya malakas ang loob niyang magpatugtog ng ganiyang kanta. She's even dancing like an idiot. Akala naman niya magaling siyang sumayaw.

"Two spicy shawarma with cheese for Miss Babe!" nakahinga ako ng maluwag nang tinawag na 'yong order namin. Pumunta siya sa counter para kunin ito.

I sighed. What's with Eurydice? Ano ba talagang meron sa kaniya? Konti nalang talaga, masisiraan na ako ng ulo kakaisip sa kung anong ipinapahiwatig ng papel na ito.

Kailangan ko ang iyong labi
Kailangan ko ang iyong pisngi
Kailan kaya kita maiuuwi
Sige na, sige na
Sige na, sige na

Napahinto ako nang may narinig akong kumakanta. Kunot noong lumingon ako at,

"Hello, pumpkin." My mouth parted pero agad ko ding itinikom. Ay, buhay pa pala siya? Ang buong akala ko ay nilamon na siya ng alaga niyang hilaw na ahas. "I like your jam." Then she smiled.

Magsasalita pa sana ako pero isinarili ko nalang. May mga kasama siya, marahil ay mga kaibigan niya. Bigla akong na-consious sa mga titig nila kaya bumalik nalang ako sa pagtitig sa mahiwagang papel na gumugulo sa sistema ko ng dalawang araw.

Pagbalik ni Babe ay agad ko na siyang inayang lumabas. Hindi na siya nakapalag nang hilahin ko na siya palabas. Luminga ako pero 'di man lang niya ako sinundan ng tingin. Parang na-disappoint ako.

"Bakit ka mukhang nalugi diyan?" untag niya.

"Huh? 'Di kaya, tss!" kinuha ko sa kaniya ang share ko at nagsimulang maglakad. "Anyway, may reply na ba si Wyz?"

Eurydice MarianoWhere stories live. Discover now