Orpheus Valerio
Napabuga ako ng hangin nang mapatingin ako kay Eurydice. Nakaupo siya sa kaharap na couch and was all smiles while looking at me. I raised a brow at her. Ano kayang iniisip niya? I shook my head and turned to Babelita. "Can we just go home now?"
"Isa ka nalang, Orphy, tatamaan ka na sa akin."
I hissed at her. Wala siyang karapatang pagbantaan ako ng ganito. Gusto ko nang umuwi at magpahinga. "Would you remind me as to what we're doing here. Aba, magdadalawang oras na tayo dito."
"Ang OA mo!" she hissed back. Hindi ko talaga alam kung bakit kami nandito. Sumasakit na pwet ko kakaupo sa couch. "Ay, ayan na pala sila."
Tumayo silang pareho kaya tumayo na din ako. Lumapit sa amin ang dalawang babae at pinaupo ulit kami. Napakamot ako sa ulo. Parang tangang umupo tapos tumayo tapos umupo na naman ulit. Ang lakas ng trip nila. "Ako nga pala si Louisse at siya si Mnemosyne, asawa ko." pakilala niya sa amin.
I stared at the woman beside her. Namukhaan ko siya. "Hi, ano nga palang maipaglilingkod namin sa inyo?" malumanay niyang sabi. Hindi ako sumagot, wala din naman akong masasabi. I'll give this moment to Babe, tutal siya naman ang nanghila sa akin dito. "What's up, Yuri? Mabuti naman at naisipan mong dumalaw dito sa bahay."
Nagdekwatro siya at nakangiting sumagot ng, "I'm just going to borrow Dory this afternoon. I've promised her to tour her around the Reserved Habitat." Babe and I exchanged confused looks. 'Wag niyang sabihin na may haunted forest na naman dito sa loob ng Calle dyosa. "Where's that cute pumpkin?"
Did she just refer a person to a vegetable?
"Ay naku, wait lang! Baka nagbabad na naman iyon sa tub. Kunin ko muna siya." nagpaalam iyong babaeng nagngangalang Louisse. This feels awkward. Mabatukan nga talaga mamaya si Babelita.
Iyong asawa ni Louisse, which I forgot the name, asked us again. I rest my case. Wala talaga akong maisasagot sa kaniya. "May maitutulong ba kami sa inyo?"
"Ah, ako nga pala si Babelita at ito naman si Orphy, kaibigan ko." panimula ni Babe. Mabuti naman at nagkaboses din siya. Nakakahiya iyong pagkatulala niya kanina, parang first time nakakita ng maganda. "May itatanong sana ako sa iyo, if okay lang sa inyo..."
Tumango iyong babae, "hmm, sure. Ano 'yon?"
Nagtingin-tingin nalang ako sa loob ng bahay. May nakikita akong chinese lanterns, baka may lahing chinese sila. Ang simple lang ng pagkakadisenyo pero mahahalata pa ding mayaman ang nakatira. Hindi basta-basta ang mga muwebles na naka-display sa bawat sulok ng bahay.
Pagtingin ko sa itaas ng hagdanan, may nakadikit na wedding picture. The couple looked very happy. Kahit ako ay napansin ko na ding nakangiti habang nakatutok sa larawan. Napansin kong bumaba ulit iyong si Louisse na may kasamang bata na kamukhang-kamukha ng asawa niya.
"Ninang Yuyu!" tawag nito sa matinis boses. Halatang excited ito na makita ulit ang ninang niya. "Bless po ako!" nagmano siya dito na ikinagulat ko. Wow, they've taught her very well. At ang mas ikinagulat ko ay nagmano din siya sa amin ni Babe. "Ang ganda niyo po. Ano pong gamit niyong lotion?"
"Err..." napatingin ako kay Babe. Nagkibitbalikat lang siya. "Belo lotion?" I replied with a doubt. Hindi naman yata ako gumagamit ng ganoon. I've got a natural smooth skin and a very, very, natural beautiful face.
The little girl smiled, showing her cute pair of dimples.
"Maiiwan ko muna kayo, Babe. May pag-uusapan lang kami ni Yuri." She bid good bye to us and ushered Eurydice towards the back porch of their house.