Kapitulo Otso

5K 242 253
                                    

Orpheus Valerio

I closed my eyes. Kanina ko pa gustong magsalita pero parang nakakahiya naman. She's not even talking. Ang tanging maingay lang ay ang tunog ng mga kubyertos at ang malaking relo na nakadikit sa pader. Sinulyapan ko siya habang ngumunguya.

Kanina pa hindi mapuknat iyong ngiti niya. And I can't help but ask her, "Bakit ka ba nakangiti diyan?"

"Am I beautiful?"

Halos magkasabay naming basag sa katahimikan. I paused for a moment, waiting for her to talk. Pero ilang minuto pa ay hindi siya nagsalita. "Ikaw lang ba mag-isa dito?"

"Are you bored?"

Magkasabay ulit kaming nagsalita. "Mauna ka na," suhestiyon ko pero umiling siya.  "Okay, well, napansin ko kasing kanina ka pa nakangiti na parang timang. At ikaw lang ba mag-isa dito?"

Umiling siya, "no," kaswal na sagot niya, "you're with me."

"I mean, wala bang kasambahay or someone?"

Umiling siya ulit. "Wala but I have Medusa."

I scratched my brow. Kakaiba talaga ang babaeng ito. Hindi naman tayo iyong ahas na alaga niya. "Aren't you aware that your pet is a snake?" Hindi ba siya natatakot sa ahas? Kahit naman sabihin niyang hindi nangangagat iyon, it's still a snake. "And snakes are really ferocious."

"Yes and no. You see, animals are like humans. They have feelings too. If you don't handle them with care, they will hurt you. Just like us," tumingin siya sa'kin, telling me something with her gaze, "so, alagaan mo iyong mga taong mahalaga sa'yo."

I got speechless. Wala akong masabi. Nablanko utak ko sa sinabi niya. Pasimple akong uminom ng tubig. Damn, ang intense naman ng sinabi niya. Sinulyapan ko siya ulit. I noticed that she's not smiling anymore. Her face has a blank expression that I  couldn't take my eyes off of her.

"May kamukha ka," I blurted out. Nag-angat siya ng tingin, telling me to go on. "You look like my cousin."

"Wyzywyg Del Fuego?" tumango ako. "I know. She's my cousin too."

I halted for a bit. "Wait." Nag-isip ako. Wyz is my cousin from my Mommy Danae's side. "Paano kayo naging magpinsan?"

"My mom and her father are siblings."

Nagsalubong ang mga kilay ko. I'm not sure if I heard her right. "Del Fuego ka?" she nodded her head. If she is, bakit hindi ko siya nakikita sa tuwing may gathering sa Asphodel? "I haven't meet you in any family gatherings sa village ng mga Del Fuego. Tuwing Sunday kasi ay lumuluwas ako at doon tumatambay sa bahay nina Wyz." Ngayon ko lang nalaman na she's a family by affinity.

Instead of answering, iba ang sinabi niya. "Stay the night."

"Huh?"

"Come." Hindi agad ako nakapag-react nang bigla niya akong hinila. Ang hilig din niya sa hilaan. Napamura pa ako dahil tumama iyong hinlalaki ko sa paa sa upuan. "Stay here."

"Bwisit ka! You can ask me nicely." napadaing ako. Tamaan na lahat hindi lang iyon. "Ouch..."

"If I'll ask you nicely, would you say yes?" I was caught off guard by her question. Tama nga naman siya, hindi talaga ako papayag. "I'll be back."

I rolled my eyes. She's bossy as fuck. Tss, typical rich kid. Napapikit ako habang hinimas-himas ang paa ko. Kawawa naman itong hinlalaki ko. Kung bakit kasi bigla-biglang nanghihila, akala naman niya mawawala ako. Tumingin ako sa paligid. Ang laki-laki ng bahay na 'to pero wala namang katao-tao.

Napadako ang tingin ko sa isang painting na nakadikit sa itaas ng fireplace. It's a painting of a lady. It was well-painted. Habang nakatitig ako sa mukha nito, unti-unti siyang nagiging pamilyar sa akin. I just don't remember when or where or how. Parang nakita ko na talaga siya dati.

Eurydice MarianoWhere stories live. Discover now