Kapitulo Nueve

5.6K 232 193
                                    

Orpheus Valerio

Napatalon ako ng malakas sa biglang pagkalabog ng pintuan. Isang Babelita Dating-Ginoo ang walang sali-salitang pumasok sa loob ng kwarto ko. She walked straight towards me with a serious face.

"Let's go!"

"May plano ka bang patayin ako?!" tinabig ko siya at kumuha ng mga damit ni Percy sa closet niya. Umuwi ako dito sa Fuerteventura kahapon dahil pinaalis ako ng kapatid ko. Ayaw daw niya akong makita pero nakatanggap ako ng text niya kaninang umaga na bumalik na daw ako at miss na niya. Ibang klase talaga ang mga buntis, jusko! "And why did you even kick the door? In case you forgot, pwedeng kumatok ng mahinahon, ano?"

Humalukipkip siya at tiningnan ako ng maigi, "ano itong narinig kong chika na nagkakaigihan na daw ulit kayo ng ex mong generic?" Oh goodness! Wala akong oras para diyan. Tinabig ko ulit siya at isinara na ang bag na pinaglagyan ko ng mga damit. "Hoy, chikahan mo ako! I'm your besty friend." Hindi ako sumagot at dere-deretsong lumabas ng bahay. Sinipa niya ang binti ko na parang bola. "Sumagot ka!"

I glared at her. She can never really ask me without doing bad things. Napaka-brutal na babae talaga. "Saan mo ba nasagap ang mapanirang chismis na 'yan?" sumakay ako sa kotse at hinintay siyang pumasok. Sigurado akong kay Eurydice niya nalaman iyon. Kaming dalawa lang naman ang may alam sa napagkasunduan namin and that was weeks ago.

"Sumagot ka!"

"Bakit ka ba sumisigaw, Babelita? Lalabas tutuli ko sa iyong babae ka."

Nayayamot siyang naglagay ng seat belt. Napailing ako. Kung makamaktol, daig pa batang paslit. "Sumagot ka na kasi! Ang dali-dali lang naman ng tanong ko kaysa sa final examination natin dati sa Religious Studies!"

I groaned. Hindi talaga siya titigil hangga't walang nakukuhang sagot. "Sasamahan ko lang siya sa mga out of town trips niya. Happy?"

Tiningnan niya ako ng maigi, naghahanap ng ebidensiya na nagsasabi ako ng totoo. I maintained a serious face. Sana gumana itong acting ko. "At bakit mo naman siya sasamahan, aber? Close na kayo? Beshies na din kayo, ganern?"

Pinili ko nalang na huwag sumagot. Sa oras na magsasalita ako, alam kong hindi na ako titigilan ni Babe kakausisa sa kahit kaliit-liitang detalye. Itinuon ko nalang ang atensiyon ko sa pagmamaneho. Mabuti naman at hindi na siya nangulit pa. Na-sense niya sigurong ayaw kong pag-usapan.

Malalim na ang gabi nang marating namin ang pamilyar na boundary sign ng Gibraltar. Ginising ko na siya at tinanong kung sasama siya sa akin sa Elysian Fields.

"Uuwi muna akong Excalibur, Orph. Hindi pa ako nakapaglaba."

Typical Babe. "Okay." kumanan ako, papasok ng Pirate Boulevard. Ang busy ng lugar na ito, malayo sa lugar na pinanggalingan ko. Madaming naglalakihang mga gusali at mga matitingkad na mga kulay na parang sumasayaw sa kadiliman ng gabi. Pinatugtog ko ang car stereo at eksaktong nagtama ang paningin namin ni Babe ng pumainlang ang isang kanta.

Like a rose, I bloom underneath your touch and then I feel so ali~ve

You got me underneath your spell, and I'm enchanted babe, I need you to come to me

Taking over my senses, shaking and anticipating,

I just feel so right, oh baby won't you give it to me now

Stop, baby don't stop

Baby, please, no baby don't stop

If you want it, too, then give me a sign

It's me and you, so baby don't stop

Sinabayan namin ang kanta at umindak na parang nasa ibabaw kami ng entablado. Mabuti nalang at heavy tinted itong sasakyan ko kung hindi ay baka mapagkamalan kaming takas sa mental sa sinumang makakakita sa amin.

Eurydice MarianoWhere stories live. Discover now