Kapitulo Disisais

5.6K 235 171
                                    


Orpheus Valerio

"Careful." paalala ko sa kaniya habang inaalalayan ko siyang bumaba ng puno. Mataas na ang araw at kampante na akong wala nang umaaligid dito. Habang naglalakad, pinakiramdaman ko ang paligid. Nang dahil sa nangyari kahapon, parang tumalas yata ang ibang senses ko.

Ilang oras pa kaming naglakad hanggang sa makalabas na kami ng gubat. Nasa gilid na kami ng highway habang tirik na tirik si haring araw. Nakalabas na nga kami pero sinalubong naman kami ng nakakapasong init.

Wala pa man ding mga sasakyang dumadaan. What is this place, really? Nilinga ko siya. Parang hindi man lang natakot ang gaga. Feeling confident si atih.

"It's the old road to La Carlotta." kunwa'y sabi niya. Anong ibig niyang sabihin? "Kailangan nating makapunta sa shortcut, may tindahan doon. We can call my father there."

"May shortcut pala? Saan ba?"

"Just follow me."

Do I have a choice? Hindi ko naman alam ang lugar na 'to, so better follow her. Ang init nga lang sa balat pero keri napang kaysa bumalik doon sa gubat. At least hindi ko na katabi iyong mga nakakatakot na animals.

Ilang kilometro pa ang nilakad namin bago narating ang sinabi niyang maliit na tindahan. Siya na ang nakipag-usap, mukhang magkakakilala sila base sa kanilang palitan ng salita.

Maya-maya pa ay may mga itim na kotse ang pumarada sa tapat ng tindahan. I don't what happened but my instincts told me to cover Eurydice. Itinago ko siya sa likod ko. Bahala na, kung mamatay man ako ngayong araw, mamamatay akong bayani.

Charot! Mga PSG pala ang dumating kaya nakahinga ako ng maluwag. Nakilala ko kasi 'yong isang kasamang bodyguard ng presidente nang minsanang kidnapin niya ako.

"Mom!"

Bigla siyang tumakbo at niyakap ang kaniyang ina. Nandito kami sa palasyo ngayon dahil iyon ang mahigpit na bilin ng presidente -- ang dalhin kami dito. Unang beses kong makapasok dito at sobra akong namamangha sa mga nakikita ko. Furk it! I'm inside the Malacañan Palace!

"That's what I'm trying to tell you, Yuri! Ang tigas kasi talaga ng ulo mo!" Parang gusto ko nang umuwi sa dumadagundong na boses ng presidente. Halatang galit na galit siya. "I've told you a million times already pero ang tigas ng ulo mo! Saan ka ba nagmana?"

"Ano ba naman kayong dalawa? Hindi ba ninyo 'yan pwedeng pag-usapan ng mahinahon?" Kumalma naman agad ang aura ni Mr. President. Ay, bet ko si first lady. She's the peacemaker of the house. "Ikaw naman, anak, bakit ba ayaw mong may mga bodyguards na sumasama sa iyo? Your father just want you safe always."

Rebelde type yata itong si first daughter. But I get her, it's really annoying if dozens of guards are always following you. Kahit siguro sa pagwiwi, nakasunod pa din sila. And that's awkwarkd.

Para akong nanunuod ng isang family movie sa pag-uusap nila. Ganito pala ang first family. At first thought, akala ko isa silang perpektong pamilya. But I guess, they're just like the normal family too. Nagagalit ang parents dahil sa kagtigasan ng ulo ng anak. Nag-alala lalo pa at babae ang anak. At higit sa lahat, paranoid.

Naalala ko tuloy si Mommy. Sobrang paranoid niya kapag hindi kami sumasagot sa unang tawag niya. If after three rings na hindi pa din kami sumamagot, expected na nasa labas na or on the way na siya sa lugar na pinupuntahan namin. It's annoying, yes, but when I realized why she's like that, unti-unti ko na ding naiintindihan.

She would always say na wala siyang ibang anak na Orpheus, Odysseus at Perseus. We may share the same face but each of us has our own identity. Kaya, nag-iisa lang daw kami sa mundo kahit triplets pa kami. And I feel Eurydice's parents. She's the only daughter and whatever happens to her, it woud break their hearts.

Eurydice MarianoWhere stories live. Discover now