Kapitulo Diez

5.4K 206 377
                                    

Orpheus Valerio

Naramdaman kong parang may nakatingin sa akin kaya ibinuka ko ang mga mata ko at, "What are you doing?" umayos ako ng upo at nagpalinga-linga. Nasa loob pa din kami ng kotse at itong kasama ko ay wala yatang balak lumabas ng kotse. "Where are we?"

"I prefer the sleeping Orpheus Valerio. You look peaceful, pumpkin." nagsisimula na akong mairita sa kakatawag niyang 'pumpkin' sa akin. Hindi ako natutuwa. "Welcome to Terra Grande. Come," yakag niya at lumabas ng kotse.

I massaged my neck while roaming my eyes around the area. I took in my breath and stopped in awe. I've seen a lot of places from public to private but I've never seen such greener, placid fields than this. "Did you say Terra Grande?"

"Yes."

"As in the Terra Grande of the Viajar clan?" Dati ko pang naririnig ang lugar na ito. Sa pagkakaalam ko ay isa ito sa mga ari-arian nila na hindi ipinagbibili. Everyone in the elite society dropped big amounts of money just to buy this land. "How did you manage to get us in here? I've read in a column  of a certain magazine that no one is permitted to set foot here."

She shrugged her shoulder. "Connections." she simply answered. Is she serious?

"You bet." inaya niya akong maglakad-lakad muna. Gusto ko sanang magpahinga pero dahil wala naman akong alam sa lugar na ito, sumunod nalang ako sa kaniya. We followed a trail. Ang presko dito at malayo sa mausok na siyudad. Ang sarap tumira sa ganitong mga lugar pero naalala ko, ayaw ko pala sa jungle. "Saan ba tayo pupunta?"

"...to my laboratory."

May laboratory siya dito? Sumunod ako sa kaniya hanggang sa marating namin ang isang malaking bodega. May dalawang babae ang sumalubong sa amin. Ipinakilala niya ako sa mga ito. Napag-alaman kong fellow botanists niya pala ang mga iyon.

Tiningnan ko iyong isang babae. She doesn't look like one. Mukha kasi itong modelo ng isang magazine. Ngumisi ito na pinagtaka ko.

Close tayo, 'te?

"How's the test?" tanong niya sa dalawa. Nakinig lang ako sa usapan nila. Dahil wala naman akong alam sa trabaho nila, sumilip ako sa loob ng bodega. Kanina pa ako curious sa kung anong sa loob. May nakita akong maraming mga bulaklak. Nandoon din iyong bulaklak na maganda na dala namin papunta dito. "How long will it take effect?"

Sumunod ako sa kanila nang pumasok sila sa loob. Namangha ako sa mga nakikita ko. Ang daming bulaklak at ang gaganda pa! Lumapit ako sa isang hilera at akmang hahawak nang sitahin ako,

"Don't touch anything. It's for the eyes only." napasimangot ako. Ano bang ginagawa ng mga ito dito? Sayang naman kung hindi ipapakita sa buong mundo. "I'm warning you."

Ang sungit naman ng babaeng ito. Seryosong tingin ang ipinukol niya sa akin. "Fine, hindi na." Kaloka, hindi ko naman kakainin 'yang mga bulaklak nila.

"Let's go, Orpheus." Mabuti pa nga. Ang weird ng mga friends niya. Iyong isa ngisi ng ngisi tapos iyong isa hindi yata marunong ngumiti. Ipinaglihi yata sa estatwa. "Are you hungry?"

Thank the gods! "Tinanong mo din..."

Bumalik ulit kami sa sentro kung nasaan nakatayo iyong mansiyon. I followed her inside. She knows the way around the place. "Kung makaasta ka parang iyo itong lugar, ha?" she winked at me. Naku, nakiuso yata siya sa mag weird friends niya. Bumungad sa akin ang isang napakalawak na living room with state-of-the-art furniture, a huge chandelier hanging from the ceiling and the grand staircase that leads to another part of the house.

"Feel at home." tumango nalang ako bilang pagsangayon. Dumaan kami sa isang mahabang pasilyo kung saan may mga paintings na nakasabit. It seems like an art gallery. Binasa ko ang mga nakasulat sa ibaba ng bawat painting. "Ito ba ang mga Viajar?" Nabasa ko kasi ang pangalan ng isang amiga ni Mamita.

Eurydice MarianoWhere stories live. Discover now