Orpheus ValerioDeath awaits you.
Ilang ulit ko na bang ni-re-replay sa utak ko ang mga katagang iyon? Three? Four? Ten times? I don't know. I lost count already. Si Diana kasi, kasalanan niya kung bakit ko iniisip ang mga salitang 'yon. The moment na pinangatawanan ko na ang pagbabantay kay Eurydice, that's also the moment I accepted the fact na yes, my life could be in danger.
At bakit ko nga ba tinanggap ang responsibilidad na 'yon? I could've had refused the president but I didn't. Siguro kasi alam ko kung anong pakiramdam kapag may isa sa pamilya ko ang nasa panganib.
O, baka naman may puwang pa talaga siya sa puso mo, sabat ng utak ko.
Mayroon pa ba? Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Geez, parang inaantok ako. I checked my wound, hindi na siya nagdudugo. Thank God! Kung hindi lang napansin ni Diana 'to, baka naubusan na ako ng dugo. I could've had died from the buwis-buhay stunt the other day.
Huminga muna ako ng malalim bago naglakad papasok sa infirmary. I-che-check ko si Eurydice kung okay na ba siya. We didn't have the chance na magkausap kahapon dahil pinagpahinga muna siya ng daddy niya. Naintindihan ko naman kaya hindi ko na siya kinulit.
"Hello, nariyan ba si Eurydice?" bungad ko kay Arri. She was busy writing something when I called her.
"Wala, she's at Sto. Cristobal." Again? Ano bang mayroon sa lugar na 'yon? "Pupuntahan mo ba siya?"
Atubiling tumango ako. Pupunta ba ako? "Oo, pero bakit siya nandoon? I thought she was resting."
"Safe haven niya 'yon aside dito. Anyway, kung pupunta ka, pwede mo bang ibigay sa kaniya 'to?" she handed me tumbler. "Careful with that, okay?"
"Ang bigat. Ano bang laman nito?"
Tinampal niya ang kamay ko na akmang bubuksan ang takip. "That's not for you to see, okay? Ibigay mo iyan kay Yuri."
"Fine, any other things to say?"
"Wala na. Basta, ibigay mo iyan, ha? Sige, ingat!"
Nagpaalam na ako sa kaniya at baka aabutin ako ng traffic sa boulevard. Inilagay ko sa glass holder ang tumbler, maingat ko pa itong inayos para hindi matapon ang anumang laman nito.
Then I silently drove to Sto. Cristobal.
It took me almost four hours to arrive here. Bwisit na traffic kasi, naabutan pa ako. Buti nalang pala at pinahiram ako ni Ody sa isa niyang sasakyan kundi mas lalong natagalan ako sa biyahe.
Pinindot ko ang doorbell at hinintay kung may sasagot. Ang init pa naman, jusko! Tapos halos limang metro ang layo ng mga punongkahoy na nagbibigay ng lilim. I waited for a couple of minutes when one of Eurydice's friend saw me.
Kinawayan niya ako. I waved back at her. Sino nga ba siya ulit? Umasa akong bubuksan niya ang gate pero ang siste, pumasok siya sa loob ng mansiyon at iniwan ako na nakatayo sa ilalim ng napaka-init na araw. Nag-doorbell ulit ako, hoping na may magandang loob na magbubukas sa akin.
Naman, saan ba mga tao? Kinuha ko nalang ang phone na nasa bulsa ko at tinawagan si Eurydice. It ringed but no one answered. Ah, gano'n na pala? Pwes, humanda sila! Kinalampag ko ang gate dahil sa sama ng loob. Napakasama ng mga budhi nila! Hindi ba nila na kasagsagan ng tag-init ngayon sa Pilipinas at hindi man lang nila ako mabigyan ng kahit kaunting konsiderasyon?
"What are you doing, Orpheus?"
Napabuga ako ng hangin. "Buksan mo kaya, okay? Kanina pa ako dito!"
"Why are you here?"
KInalampag ko ulit ang malaking gate kahit na alam kong hindi magigiba kahit anong gawin ko. Bwisit, nakuha pa niyang magtanong habang tirik na tirik ang araw! "Can you just open it, Eurydice? Ang init, aba."