Kapitulo Trece

4.7K 220 248
                                    


Orpheus Valerio

"In fairness, besty, ang sarap ng tulog mo kagabi." I think not. Napagod ako sa rappeling na ginawa namin kahapon. I thought I was really going to die. "Pero, I'm so proud of you, Orphy. Biruin mo, nag-ala Spiderman ka kahapon! You conquered your greatest fear, bessy!"

Sinamaan ko siya ng tingin. "I almost died, Babelita! Anong nakaka-proud doon?!" Gaga talaga siya. Buti at hindi nag-snap iyong lubid kundi bagsak talaga kaming tatlo dahil sa kagagawan ni Eurydice. And speaking of her, 'di ko yata siya nagisnan kanina. "Nasaan na iyong new found friend mo?"

"Nangahoy si Madam Yuri. Kanina pa nga iyon, eh, hindi ko lang masundan dahil nagluluto pa ako ng agahan natin."

"Nangahoy?" Bakit nangahoy? Luminga ako sa paligid, malapit nang umaraw. "Hindi ka pa ba tapos diyan?"

Umiling siya, "hindi pa nga, eh..."

"Ako nalang magbabantay diyan." presenta ko. Mukhang malapit naman ding maluto ang kanin. "Ikaw na tumawag sa new found friend mo."

"Okay lang pero marunong ka bang magluto gamit ang kahoy? Kasi kung, oo, ikaw na talaga bahala diyan. 'Wag mo akong ipapahiya, ha?"

Ugh! "Fine, ako na maghahanap. Bwisit ka, Babelita!" Nagpapadyak na umalis ako at tinahak ang kagubatan. Gosh, why does it have to here? May mga amusement parks naman, malls, beaches and other beautiful places, dito pa talaga niya naisipang magpunta?

Why does it have to be in the jungle? I groaned in frustration. Makita ko lang siya, ipapakain ko talaga siya sa alaga niyang ahas! Tsk!

Paglingon ko, hindi ko na kita ang mga tents namin. All I see is thick bushes and it's creepy! Ang daming lamok! I forgot to bring my claritin. Grr! Una, dumikit iyong alaga niyang ahas sa balat ko. Pangalawa, she made me climb like a spider at panghuli, hinahanap ko siya dito sa kalagitnaan ng kagubatan! Eurydice Mariano is really the death of me.

"Eurydice!" I called. Nag-echo sa buong paligid ang boses ko. There was no response. "Saan kaya nagsusuot ang babaeng iyon?" Kapag talaga hindi siya nagpakita sa akin, iiwan ko na siya. Tsaka, malaki na siya. Marunong siyang umalis, matuto siyang bumalik. "Eurydice!"

Again, there was no response. Kahit siguro magdala ako ng megaphone dito, wala yatang sasagot sa akin kundi ang sarili ko. Luminga ulit ako sa paligid. "Oh dear, I think I'm lost..."

Yeah, right! Now, I'm lost. Bakit pa kasi ako nagpresentang hanapin siya? Alam naman niya siguro ang lugar na ito kasi kung hindi, bakit niya kami inaya sa masukal at nakakatakot na kagubatang ito? Nagpatuloy nalang ako sa paghahanap. And the most unexpected thing happened to me.

Napasigaw ako ng ubod lakas dahil namali ako ng hawak sa isang kahoy. The branch snapped and I just found myself rolling down sa pangpang. Feeling ko parang nasa alapaap ako habang nagpagulong-gulong na parang gulong na humiwalay sa isang sasakyan. And when my body finally stopped rolling, hindi ko maigalaw ang katawan ko; para bang namanhid ako bigla.

Suddenly, I find myself between a pair of legs. Now I'm looking at the apex of her thighs. Bahagya pang tumutulo ang tubig mula dito pababa sa hita hiya. Napaubo ako bigla at bumangon. Biglang umikot ang paningin ko kaya napahiga ulit ako sa lupa. "Shit..." daing ko. Ang sakit ng ulo ko. I think I'm going to die.

"Are you okay, Orpheus?" It was Eurydice. She was in her naked glory. And her chest is almost pressing my face.

"Oh, my God!" napaatras ako. Oh, my gosh! Ang lusog ng papaya! Tinakpan ko ang mga mata ko. "What are you doing?! Magdamit ka nga!" singhal ko sa kaniya. Nakakalokang babae, nahimasmasan bigla ang sakit ng ulo ko dahil sa kaniya. "Wear something!"

Eurydice MarianoWhere stories live. Discover now