Orpheus Valerio"Are you ready?"
Isa-isa ko silang tiningnan. Hindi ako sigurado pero nandito na kami, wala na itong atrasan. "Let's do this shit." Isinuot ko ang life vest na nakapatong sa desk ko. I was about to ask Percy if what's it for, kung lulusong ba kami sa dagat o ano. But, her glaring green eyes caught me and I just wore it. "Uh, can I really ask what the life vest is for?"
Lahat sila ay napatigil sa paglagay ng kung ano-ano sa mga damit nila. DZ was shaking her head in disbelief. Si Babe naman ay nagpipigil na tumawa. Diana was eyeing me.
And Percy was the one who answered my question. "Why are you wearing a life vest? Hindi naman dagat ang pupuntahan natin mamaya, Orpheus Regeant."
I was confused. "Eh, ano pala ang pupuntahan natin?" tinanggal ko ang life vest dahil sa totoo lang, nagmukha akong tanga sa harap nila. Kaya pala parang natatawa si Babe sa akin kanina. "So, is there anything na pwede kong suotin para hindi ako mamatay ng mabilis sa gagawin natin? Like a parachute or something..."
"Why would you need a parachute, Valerio?" DZ snapped. Ano bang problema niya sa tanong ko? Gusto ko lang naman maging ready ako sa susuungin namin. For Pete's sake, hindi na ito role playing games na ginagawa namin noong mga bata pa kami! Totoong problema na itong kinakaharap namin, and most importantly, I want to get out alive after. "Damn it, Vulture. Just give your idiot sister a bulletproof vest! Let her wear it."
Hindi naman masungit si DZ, pero ngayon ay parang gusto na niya akong tustahin gamit ang mga nagbabaga niyang mutant eyes. Magkaiba kasi ang mga kulay ng mga ito and it always give me the creeps every time I stare at them. Piping tinaggap ko ang inabot ni Percy sa akin na bulletproof vest.
I mouthed thanks to her.
"Unahin mong suotin ang vest, Orph, bago ang mga damit mo." Paalala ng kapatid ko sa akin. I rolled my eyes. Hinubad ko ulit ang vest pati ang shirt ko. Sinunod ko ang sinabi niya. And after that, I feel bloated. Is this for real? "Okay, ready na ba tayong lahat?"
I gulped an imaginary lump. This is it. I don't have any idea on what's going to happen next. Kanina, habang tinutulungan ako ni Babe na makaalala kahit kaunti ay napagtanto kong I'm living a dangerous life. I may not remember it but I felt it inside. Kaya pala may mga bagay akong hindi maipaliwanag. Kaya pala may mga panaginip akong parang totoo. Maybe they are part of my memories and not mere dreams. Nawala din naman ang mga panaginip na 'yon nang uminom ako ng mga gamot. So, I thought those dreams are just nightmares.
Lulan kaming apat sa isang itim na van na tadtad ng maraming CCTV. May surveillance camera sa labas ng Calle Dyosa, pati na rin ang bawat bahay ng mga Muses. Umupo ako sa tabi ni DZ. Umisod siya para bigyan siguro ng espasyo ang nasa pagitan namin.
Siguro masama pa din ang loob niya dahil sa nangyari sa pamilya niya. I really can't blame her. She's a happy-go-lucky person, but when it comes to the people she loves, nag-iibang tao siya.
I sighed heavily. "I'm sorry, Dynneth. I'm really sorry..."
Siya naman ang bumuntong-hininga at tinapik ako sa balikat. "It's not really your fault, Orpheus. Kasalanan ko naman talaga dahil hindi ko sinamahan si Carrib nang araw na 'yon. I didn't mind the things she said. It's entirely my fault and now she's missing. My daughter is alive pero parang patay din siya dahil hindi siya nagsasalita. She just keeps on crying and my heart sank..."
I don't know how to comfort people because basically, I'm a Valerio. Minsan naiisip ko kung anong koneksiyon nang iyon sa pagbibigay comfort sa ibang tao, or maybe because I was trained to be tough in times like this...