Quinn Eurydice Mariano"What are you thinking, pumpkin?" untag ko sa kaniya. Orpheus was staring blankly at the ocean. I moved towards her, hindi niya namalayang nasa tabi na niya ako. "Kanina pa kita tinatawag pero nasa kalawakan yata ang utak mo," dagdag biro ko pa.
Inakbayan niya ako, napangiti ako sa ginawa niya. I encircled my arms around her and gently pulled her close to me. "Iniisip ko kung sino 'yong babaeng panay dikit sa iyo. Sino ba 'yon?"
Kumunot ang noo ko. What is she talking again? Tsk, nagseselos na naman siguro siya sa mga kaibigan ko. "sino ba ang tinutukoy mo? Marami kayang girls ang dumidikit sa akin, you know, goddess kasi 'tong girlfriend mo."
"Humangin na naman po siya, tsk." She kissed my forehead and hugged me back. I really love it when she does that, I can feel her love and respect for me. "Don't be too gorgeous, Eurydice. Baka hindi na ako babagay niyan sa'yo."
"Sorry, can't help it. It comes out natural, pumpkin."
Napatawa siya sa akin. "Takpan ko nalang mukha mo para 'di na sila didikit sa iyo, lalo na 'yong Emrei. Girlfriend siya ni Selene, hindi ba? Bakit panay dikit sa iyo? Ano siya, glue?"
Matagal na niyang napapansin ang kaibigan kong 'yon. I don't know kung bakit mainit ang ulo niya kay Emrei. She's sweet and very caring kaya magaan ang loob ko. "She's Selene's girlfriend."
"Kahit na," katwiran niya pa.
There she goes again, getting jealous with nothing. "Not again, Orpheus. She's just a friend."
"Oo nga, kaibigan mo nga siya." pagrarason pa niya. Hindi selosa si Orpheus, pero hindi ko maintindihan kung bakit inis na inis siya kay Emrei. Wala namang ginagawa 'yong tao sa kaniya. Kung tutuusin ay napakabait nito at may sense of humor. "Pero, bakit panay siya halik sa pisngi mo? Kahit nga ako na girlfriend mo ay hindi humahalik ng gano'n. Kissing booth ka ba, girl?"
Humiwalay ako sa kaniya. I didn't like what she said. She's starting to be irrational. "Ilang beses ko bang ipapaliwanag sa 'yo na magkaibigan lang kami? Damn it, Valerio." Nagsisimula na din akong mainis sa kaniya, parang pinapalabas niya na wala siyang tiwala sa akin.
"Bakit kailangan pang magmura, Mariano?" balik niya sa akin na may pagtataas sa boses niya. "Pwede namang magsalita nang walang ganoon. It's not necessary. And why are you being defensive?"
"I'm not defensive. Kung 'di ako magsasalita, sasabihin mo namang naglilihim ako sa iyo. And if I'm reasoning out, sasabihin mo namang defensive ako. Saan ba ako lulugar, Orpheus?"
Natahimik siya. "Sa puso ko," banat niya sabay yakap sa akin.
Tumaas ang kilay ko sa sagot niya, "Hindi ako nagbibiro, Valerio."
"Ito naman," niyakap niya ako nang mahigpit. "Sorry na, uminit lang ang ulo ko. I won't do it again."
I crossed my arms. "You've already said that a lot of times, Orpheus. Wala namang nangyari, ginawa mo ulit. Wala ka bang tiwala sa akin?" At nasabi ko din sa wakas.
"I trust you."
"Iyon naman pala! Bakit ka ba nagseselos sa mga bagay na walang katuturan?"
She buried her face on my neck. I cursed under my breath. Ginagawa niya 'yan kapag sumusuko na siya sa argument, at hindi ako natutuwa. Nag-iiba ang pakiramdam ko sa bawat dampi ng mainit na hininga niya sa balat ko. Oh, fuck. She's not even aware of what she's doing. "Am I not allowed to feel that way? Dapat bang hindi ako ma-threatened na baka isang araw may iba ka nang mamahalin?"