Orpheus ValerioHindi ko alam kung paano ko natunton ang quarters ng GUARDIAN pagkatapos ng mga sinabi ni Eurydice sa akin. Ang sakit ng lahat ng 'yon. So, all along ay hindi pala bukal sa loob niya ang mga panlalandi sa akin?
Wow, badtrip! Pagkatapos niya akong utuin, basta nalang niya akong bibitawan na parang mainit na popsicle? Ang sama niya talaga! Hindi siya marunong mag-isip ng nararamdaman. Halos mamatay na ako tapos, ganoon niya lang ako kung tratuhin?
"Where's Yuri, Orph?"
Napaismid ako kay Percy. "May nakita ka bang Eurydice Mariano na kasama ko?"
"What the hell?! Bakit hindi mo siya sinama? I told you to get her by hook or by crook! Ang tanga naman, Orpheus!"
At ako pa talaga ang tanga ngayon? "Edi, wow." Tumayo ako at sumubsob sa desk na malapit kay Diana. Kaharap niya ang monitor at may tinitipa sa keyboard. "Bakit ka nandito? Hindi ka ba hinahanap ng asawa mo?"
"I told her that you're sad and you need my company." she asnwered seriously, still looking at the monitor. Langya, ako pa talaga ang ginawang excuse para lang makatakas siya. "Anyway, did your memories get back?"
"Orpheues! I asked you one simple favor, and that is to take away Eurydice from Emrei. Iyon na nga lang, Orphy, hindi mo pa magawa!" Ako pa talaga ang hindi nakagawa? I don't have any idea sa mga pinagsasabi nila. "Haven't you realize that she will be in grave danger?! Orpheus, wala ka bang concern man lang sa kaniya?"
At ako pa talaga ang walang concern ngayon? What is wrong with people today? "Ayaw niyang sumama sa akin, mas gusto niyang sumama doon sa babaeng ghost. Ano bang maggagawa ko? Natin? Hayaan na natin siyang sumama sa babaeng 'yon. At kung anuman ang mangyari sa kaniya, mas lalong wala na tayong pakialam! Buhay niya iyon!"
"Tell her, Vulture." singit ni DZ Valiente. Isa pa itong babaeng 'to, parang laging susugod sa giyera. "Our lives depends on her memory. Kapag hindi niya pa naalala 'yon, mas lalong malalagay sa alanganin ang lahat ng mga mahal natin."
"Phoenix is right, Vulture," Diana seconded. Naguguluhan na talaga ako sa kanila. Bakit ba nila tinatawag ang isa't-isa sa mga specie ng ibon? Am I overreacting or they're just using that as a code? "Our efforts will be nothing if Condor doesn't rember a thing."
Sino na naman si Condor? Tumingin ako sa kakambal ko, she has that concern look on her face. Sa loob ng kwarto, apat kaming naririto. Si Percy, they call her Vulture. Si Diana na Falcon naman ang tawag sa kaniya. Si DZ na Phoenix naman ang tawag sa kaniya. And that remains the name Condor.
And also me. Inulit ko ang mga naisip ko. Percy is Vulture. Diana is Falcon. DZ is Phoenix. Holy shit. "Ako ba ang tinutukoy niyong Condor?" Lahat sila natahimik sa sinabi ko. "Sumagot naman kayo. Ako ba si Condor?"
Nagkatinginan silang tatlo bago sumagot si Percy. "Yes, Orph. You are Agent Condor. One of the finest and bravest Head Guardian of our agency."
"Anong kabalbalan ba 'yang sinasabi mo, Percy? Ako ang pinakamatapang na Head Guardian? Are you insane?!" Ang lakas naman mang-trip nitong kakambal ko. Kung ano-ano nalang ang sinasabi. Ako daw ang pinakamatapan na agent? "You know that's ridiculous. I'm even afraid of mosquitoes!"
"Just tell her everything from the start, V. Magpapatuloy lang 'yang kapatid mo sa pagtatanong dahil sa kalituhan."
Thank God for Diana in understanding my situation. Siya talaga ang paborito kong pinsan. Bukod sa matalino, marunong din makisimpatya.
"I guess, I have to." Percy sighed and motioned for me to sit down. Kumuha naman ako ng isang silya at umupo. "Okay, first of all, I want to tell you that the four of us here are part of an agency. It's called GUARDIANS. It was founded a century ago by Ignatius Valerio. And yes, Orphy, our family owned GUARDIANS." napatango-tango ako, so iyon pala ang simula ng lahat. Nagpatuloy siya sa pagkukwento. "Before the grand guardian seat was given to Tita Hero, the agency was led by Theodore Valerio. That guy," turo niya sa isang larawan na nakadikit sa board, "...is Mamita's twin. Siya ang dating namamahala ng ahensiya bago siya naging gago at hinaluan ng katarantaduhan ang agency ng pamilya."