6 months later...
Pumainlang ang isang mabagal na musika na sinabayan ng isang mahinang haginit ng isang babae. Nakaupo siya sa landing ng kaniyang front porch habang hinihintay na magbukang-liwayway. Kasabay kasi nito ang pag-asa niya sa bagong araw na dadating.
Kung babalikan man niya ang nakaraan, wala siyang kahit isang babaguhin sa mga nangyari. She loved the way her life was meant to be. Ang mahalaga ay naranasan niya ang mga iyon at babaunin hanggang sa pagtanda.
Nang sumilip na si haring araw, hinayaan niyang dampian siya nito ng init. She let the rays touched her skin, making her feel alive after what happened. Hindi niya lubos maisip na mabubuhay pa siya at sasalubungin ang pangalawang buhay na ibinigay ng Diyos sa kaniya.
She is indeed grateful for all the things that had happened. Hindi niya ito sasayangin at gagawing makabuluhan habang buhay. Nang medyo maliwanag na ang kalangitan, tumayo na siya't pumasok sa loob ng kaniyang bahay.
Sinimulan niya ang kaniyang araw na may ngiti sa labi. She cooked her food while humming. Ang gaan-gaan ng pakiramdam niya ngunit napatigil siya nang ang sumunod na tugtog ay nagbigay sa kaniya ng isang alaala ng kahapon.
It was a John Denver song, a song she used to sing for someone. It brought a lot of memories to her, particularly a memory of someone she used to love.
Kumusta na kaya siya, tanong niya sa sarili. Marahil ay masaya na siya ngayon at mabuti na ang lagay. Gustuhin ko mang bisitahin siya, parang hindi na maaari. Mas mabuting hindi na kami magkikitang dalawa kahit kailan.
Bumalik na siya sa pagluluto at nang matapos ay ipinaghain ang sarili. She's been living alone for months now, at kahit ang pamilya niya ay walang alam kung saan siya. Naisip niyang mas magandang walang nakakaalam kung nasaan man siya ngayon, gusto niya ang katahimikang natagpuan.
Nang matapos sa pagkain ay ginawa na niya ang daily routines sa loob ng anim na buwan. So far, walang naging abala sa kaniyang pag-iisa. It was almost a perfect silence, a moment of atonement for all the things that happened.
Nasa kalagitnaan siya sa pagkakahiga nang may kumatok sa pintuan. Buong pagtatakang tiningnan niya ito at mabagal na sinilip sa peep hole ang taong nasa labas.
Ito ang babaeng kanina'y iniisip pa lang, kinukumusta sa sarili kung nasa mabuti ba itong kalagayan. It was like an answered prayer. Marahil ay kahit gusto niya itong kalimutan, hindi niya magawa.
People who have a special place in one's heart is hard to forget. They are the constant reminders that once in life, we ought to meet them; and love them even. And once in her life, she loved Eurydice Mariano, perhaps, still loving her still up to this very day.
Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya bago binuksan ang natitirang harang sa pagitan nila. Tila bumagal ang oras sa sandaling nagtagpo ang kanilang mga tingin, naririnig niya ang pamilyar na kabog ng kaniyang puso habang nakatunghay sa dalagang nasa harap niya.
Yuri was facing her with that longing in her eyes. Ngumiti ito na abot hanggang mata. Nanatili siyang nakatingin dito at naghihintay sa susunod nitong gawin. They stared at each other, silently communicating their hearts.
Humakbang ng dalawa si Yuri, closing the gap between them. Sa sandaling dumaiti ang balat nito sa kaniya ay hindi na niya napigilang tumulo ang kaniyang mga luha. She let those tears flow she have kept for a long time. Ang mga luhang 'yon ang nagpapatunay na sa loob ng maraming taon, si Yuri pa din ang natatanging babaeng nagpapatibok ng puso niya.
Napapikit siya nang haplusin nito ang kaniyang pisngi. Oh, how she longed for that touch. Yuri's touch alone can bring all those vague memories like they just happened yesterday. It brought her to that very memory the first time they met.