Kapitulo Sais

5.4K 277 305
                                    

Orpheus Valerio

"Manong, para po."

Nauna akong bumaba ng jeep dahil naiinitan ako. Hindi ko alam kung bakit, kanina pa ako pinagpapawisan kahit naman medyo makulimlim ang kalangitan. I stretched my arms. Nangalay ako kanina dahil sobrang siksikan kaming mga pasahero na parang sardinas.

"O, tara na, besty," yakag ni Babe nang makababa siya sa jeep. "May kalayuan pa naman ang lalakarin natin."

"What?" tumawa lang siya. Hindi ko gusto ang tawa niyang iyan. It means there's something very, very bad will happen.  "What do you mean, Babelita?"

"Basta, sumunod ka nalang, Orph."

I don't have a choice. Sumunod nalang ako sa kaniya. Hindi ko naman kasi alam kung saan kami pupunta. Ang sabi niya, I should just follow her. Pero bakit ba ako nagpapaniwala sa ka niya?

Seriously.

"See that," turo niya sa isang sementadong sign post sa gilid. Uh, so what? "Hoy, nakikinig ka ba?"

I rolled my eyes. "Yeah, right." I looked around. Ang tahimik dito, ni walang sasakyang pumapasok. "Anong lugar ba ito?" Although malinis ang daan at halatang may nag-aalaga, ang creepy pa ding tingnan.

Gaya nalang ng nagsisilakihan at nakakatakot na mga puno. It looked like Apollo's haunted tree sanctuary. Sino bang nagtanim ng mga 'yan? Bakit hindi nalang Ilang-ilang tree, 'di ba? Mabango tapos hindi pa nakakatakot tingnan.

Parang nabasa naman niya ang nasa utak ko. "Private road kasi ito, besty. Kung dadaan ka man dito, babalik ka sa pinanggalingan mo."

"Bakit private?"

"Kasi hindi siya public, Orphy," pamimilosopo niya. Tiningnan ko siya ng masama. Ang ayos-ayos ng tanong ko and yet, she answered me back like that. "Exclusive lang kasi siya, duh. Basta nga, Orphy! Ang dami mong tanong!"

"Natural! Wala sa mapa 'yang sinasabi mo, e! Baka ma-wrong turn pa tayo."

"Sus!" napailing nalang ako. Ayaw ko nalang magsalita pa at baka mapatulan ko na siya. Kanina pa ako naiinis. "O, dito na tayo."

Para akong naestatwa nang mapatingin sa isang higanteng gate na nasa harap ko. Masiyadong mataas ang naturang gate, mga 20-30 meters siguro ang height. Good luck sa taong gustong akyatin ito. Tinawag ko ang kaibigan ko, "Babe." she hummed. Hindi ko mabasa iyong nakasulat sa pinaka-ituktok ng gate. Pero pamilyar ito sa akin. "What's that at the top?"

Lumapit siya sa'kin at tumingala. "Oh that, my friend, is a Greek writing." napatingin ako sa kaniya. Himala at deretso siya ngayon mag-English. "Pangalan ng lugar."

"What does it say?"

"Calle Dyosa." simpleng sabi niya habang pinapalubo ang bubble gum na nginunguya niya. "Tara, blood scan tayo."

Napalinga ako sa kaniya. Did she just say blood scan? Mayroon bang gano'n? "Nasa HIV center ba tayo at kailangan pa niyan?" sunod-sunod na tanong ko. Hindi siya sumagot, bagkus ay itinapat niya ang kaniyang thumb sa isang scanning machine. "And what the hell? Kung sinabi mo lang na sa Calle Dyosa pala tayo pupunta, edi doon nalang sana tayo dumaan sa Downtown. Bwisit ka talaga, Babelita! Ang dami mong ek-ek sa buhay!"

"Babelita Aneeta Dating-Ginoo."

Napaatras ako. Bigla-bigla ba namang nagsalita iyong scanning machine. Sinuri ko ito. Napaka-high-tech and very state of the art. Kung sino man ang may-ari ng Calle Dyosa, I'm sure isa siyang alamat para maglagay ng ganito ka-istriktong security system.

"Your turn, Orph."

Umiling ako. There's no way in hell that I'm gonna put my thumb on that bloody machine. "No way!" mariing tanggi ko. Lumayo pa ako ng konti para makaiwas pero agad na kinuha niya ang kamay ko at ipinatong sa scanning machine. "What the-- ouch!" binawi ko ang kamay ko. May tumusok na karayom kasi sa thumb ko. "What was that?!"

Eurydice MarianoWhere stories live. Discover now