Chapter Seven

3.8K 70 3
                                    

Chapter Seven

Ngising ngisi ako sa regalo ni Earl sa akin. Yayamanin talaga ng bestfriend ko. Biruin mong polaroid ang regalo nya sa akin at may kasama pang benteng film. Oh ha!

Dinikit ko sa dingding ng kwarto ko iyong first picture namin dito sa polaroid ko. Pareho kaming naka-wacky habang yakap na yakap sya sa akin. Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatitig.

"Ateee!"

Bumalik lang ako sa wisyo ng tawagin ako ni Grape. Pagbaling ko ay nasa pinto na nya.

"Oh?"

"Kanina pa kita tinatawag. Pero mukha kang tanga jang nakangiti." Lumapit sya sa tabi ko. "Ay kaya naman pala. Nakatitig sa picture nila ni Kuya Earl."

"Ano ba iyon?" Pinalo ko iyong balikat nya. "Bawal ang tsismosa."

"Pahiram ng bag. Tyaka mag ayos ka na daw."

Kinuha ko iyong bag na alam ko namang gusto nyang hiramin. Lumabas na din agad si Grape at nagsimula na akong mag ayos.

Christmas day na. Wala naman kaming gagawin. Gusto lang kasi gumala ni Blueberry kaya sasamahan namin.

I wore peach tshirt na tinuck in ko sa black jeans ko. Nagsuot lang ako ng isang kwnitas and I tied my hair in a bun. Nagtsinelas lang ako na itim din. At sinuot ang black peach sling round bag ko. I put some light make ups to emphasize my beautiful face.

Sa Mall lang kami pumunta. Gala doon, gala dito. Madaming nakuhang pamasko si Blueberry sa mga ninang nya, si Grape din at ako, kokonti lang. Malaki na daw kasi ako. Namili sya ng mga iba pang-calligraphy nya. Kumain kami sa kfc dahil request ni Blueberry. At pagkatapos ay nagpicture kami tas umuwi na din.

"Ma, punta lang ako kina Earl ha." Paalam ko kay Mama.

Dumaan ako sa kwarto ko para magspary ng pabango. Tumunog ang cellphone ko at nakita kong si Catalino ang tumatawag.

I smiled and immediately answered it.

"Merry Christmas!"

[Merry Christmas baby.]

Natawa ako sa halos sabay naming pagbati sa isa't isa.

[What are you doing right now?]

"Kakauwi lang namin galing mall. Ikaw? How's your christmas?"

[I got a hangover baby. Inumaga na kami. Pasyal kami nina Mama mamaya.]

"Kapag mag iinom, huwag damihan ha."

We talk for an hour bago sya nagpaalam na may gagawin lang. Inayos ko ang sarili ko at lumabas na ng bahay para magpunta kina Earl. Kanina pa din kasi ako tinetext ni Tita Merlie na magpunta daw ako doon at may regalo sya sa akin. I am very excited.

Diretso na ako sa loob nila pagpindot ko sa doorbell. Rinig ko ang tawanan ng mga magpipinsan sa may garden doon. Binalewala ko iyon at sa loob tumuloy.

"Merry Christmas!" Malakas kong sigaw.

Nagulat ang mga kasambahay nila kaya natawa ako. Nginitian ko sila at hinanap bg mata ko si Tita Merlie na kasalukuyang busy sa kusina.

"Hi!"

"Oh, I've been waiting for you."

Lumapit ako kay Tita Merlie at hinalikan sya sa pisngi.

"Merry Christmas hija." Rinig ko si Tito Elvis. Niyakap ko din sya at hinalikan sa pisngi.

"Sumalo ka doon sa mga magpipinsan."

"Ihhh. Nahihiya ako." Pabebe kong sabi. Napahalakhak si Tito.

"Sweetheart, nasan ang regalo natin kina Straw?"

Please Be Mine (Lausingco Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon