Chapter Twenty Six

3.4K 68 8
                                    

Chapter Twenty Six

"Strawberry,"

Bakit ba iniisip ko pa iyon. God Strawberry! Don't make it a big deal. Dalawang linggo na ang lumipas. Okay naman na kayo ni Earl diba? Bestfriend pa din ang turingan nyo diba? Tama na kakaisip.

"Strawberry."

Eh kasi. Ano ba! Hindi dapat ako apektado! Hindi.

"Strawberry." Isang kalampag sa lamesa ang nakapagpabalik sa aking wisyo.

Napatayo ako ng makita ko si Emoji sa harapan ko. Matiim na nakatitig sa akin.

"Are you okay?"

"Yes.." Tumikhim ako. "Yes sir."

"Paki-arranged nitong mga papel. Then afterwards bring it to my office."

Nilapag ni Emoji este Sir Ej iyong folder na puno ng mga papeles. Tumango nalang ako kay Sir Ej. I need to work para madivert ang mga isipin ko about Earl and his stupid shits.

I focused myself on my work. And I'm thankful na ayos naman ang mga ginawa ko.

The following day, day off ako ng two days dahil straight ako sa trabaho ng one week. Kaya ginrab ko na iyong project na bago ni Tito Tony.

"Hi. I'm Rocky Montez. You're Strawberry Saito?"

Kinamayan ko iyong morenang babae.

"Yes po. Glad to meet you."

Ngumiti sya at nilahad ang isang lalaki na nakaupo sa harapan ng vanity mirror.

"Bryan, nandito na ang bago mong partner. And please lang, huwag maarte ha." Umiling iling pa si Rocky. "Bryan!"

"Chill." Tumawa iyong lalaki bago nilapag iyong cellphone nya at tumayo.

Nanlaki iyong mata ko nang magtama ang paningin namin. Dinuro ko pa sya.

"Oh my god! Bryan!" Bahagya pa akong tumalon.

Bryan smirked. "Oh. Ang mahal na reyna ng mga Lausingco." He grabbed me and hugged me tight.

"Saglit. Magkakilala na kayo?" Tanong ni Miss Rocky.

"Ano sa tingin mo, Rocky?" Pinisil pa ni Bryan ang magkabilang pisngi ko. "I owe you a lunch kasi nagustuhan ko ang bago kong partner."

"For real? I want some chowking!"

"Alright then. Ngayon na ba magsisimula si Strawberry?"

"Ano pa nga ba? Tatlong araw nang delay ang shooting dahil lang sa ayaw mo sa nga nakakapartner mo."

Kumibit balikat si Bryan. "You knew me. Ayoko ng babaeng maarte."

"Maarte ako and you know that."

Humalakhak si Bryan. "Exemted ka."

"Okay. Let's start."

Ang smooth lang naman ng shooting. Kung minsan nga ay napapagalitan si Bryan dahil sa kakulitan pero all in all natapos naman na kami.

"Uncle, can you stay? May ipapaayos ako." Rocky requested at Tito Tony.

"Sure Rockelita."

Miss Rocky made a face.

"Tito, una na ako."

"Ingat. Teka, hindi ka susunduin ni Earl?"

"Lagi kang sinusundo ni Earl?" I heard Bryan at my back.

I rolled my eyes. Di ko pa nga pala nasasabi kay Tito na break na kami. Hays. Dapat pa ba? I'm sure halata na din naman nya iyon.

"Hindi siguro."

Please Be Mine (Lausingco Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon