Chapter Thirty Seven

3.4K 48 10
                                    

Chapter Thirty Seven

"Ate, nakita mo na? May bagong post si ELL." Ani Grapeberry sakin.

"Nakita ko na. Featured ang bestfriend compilation na pinost nya sa blogsote nya sa isang book."

"Ang galing nyo. Nabasa mo na ba iyon?"

Umiling ako. "Not yet. Nitatamad ako."

"Ay ate, basahin mo na. Worth it kahit mahaba ng konti." Si Blueberry. "Parang about sa bestfriend nya iyon na matagal na nyang mahal. Ganda, nakaka-touch."

Tumango nalang ako sa sinasabi ng dalawa kong kapatid sa akin. At the same time, ka-chat ko si James Michael. We had our date last week. Siguro apat na araw iyong sunod sunod. Sinamahan nya akong manuod ng Avengers: End Game. Plus, mostly kumakain lang kami sa restuarant. Tyaka sinama nya ako one time sa location ng pinagshootingan ng movie nung director na head nya.

Nalula nga ako at puro artista ang nasa paligid ko that time. And I'm thankful, nakilala ko kasi si Kenneth. Iyong nasa Eat Bulaga ng That's my bae. Kamukha kasi iyon ni Earl kaya natuwa lang naman ako.

Speaking of Earl, he's been very busy lately. Awan ko, sa kanya kasi pina-handle ni Tito Elvis iyong bagong Lausingco Hotels sa Batangas.

"Pero that short article reminds me of you and Kuya Earl. Hehehe. Diba, magbestfriend kayo?" Ani Blueberry.

"Ano ka ba, Blue! Magbestfriend lang sila ni Kuya Eael, pero hindi mahal ni Kuya Earl si Ate." Irap pa ni Grapeberry.

"Naalala ko lang naman eh." Ngumuso pa si Blueberry. "Ate, nasan nga pala si Kuya?"

"Busy iyon sa bagong Hotel."

"Tamo, sabi ko sayo. Busy iyon eh. Kapal mo pang tumawag para sabihing bisitahin tayo dito tapos magdala ng pizza."

"Ang sungit mo. Gusto ko lang naman makita si Kuya Earl kasi sya lang ang kakampi ko minsan." Umismid pa ang bunso namin.

"Enough. Mag saing na kayong dalawa. Pauwi na si Mama."

"Ako na magluto ng ulam. Si Blue na magsaing." Si Grapeberry.

"Sige na. Maliligo lang ako."

Umakyat na ako sa kwarto ko. May gagawin na daw kasi si James Michael, nagpaalam na muna.

I took a bath. After, nagsuot lang ako ng isang spaghetti strap at cotton shorts. Hinayaan kong tumulo ang tubig sa buhok ko bago ako bumaba. Wala pa man ako sa bakuna ng kusina ay may naririnig nakong hagikhikan at isang baritonong boses. Automatikong tumaas ang kilay ko.

"Namiss talaga kita, Kuyaaaa!" It's Blueberry.

Minadali ko ang pagsilip sa kusina at nakita ang pamilyar na bulto ng tao ni Earl. Nakayakap sa kanya si Blueberry habang nagluluto naman si Grapeberry.

"Ang taba ni Blue ano, Grape?" Natawa si Earl at pinisil ang pisngi ni Blueberry.

Since five years old, Blueberry is really fond of Earl Javes presence. Aniya nga kanina ay kakampi nya si Earl dahil mostly, kami ni Grapeberry ang magkakampi lagi.

"Atleast cute, diba?"

Pinaggigilan ni Earl ang pagyakap kay Blueberry na humahagikhik. I leaned on the wall and crossed my arms on my chest. I love looking at them, para kasing kapatid na kapatid na ang turing nina Blue kay Earl.

I smiled. Napabaling si Blueberry sa akin.

"Oh! Ate, nandito si Kuya. Di naman na sya busy."

"Siguro kinulit mo na naman." Sabi ko.

Please Be Mine (Lausingco Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon