Epilogue

7.2K 131 23
                                    

Epilogue

Suminga ng puro itong batang babae na katabi ko. Ewan ko ba pero sya naman itong nagtaray sa amin ng mga kapatid ko. Kahit ayaw ko, inabot ko sa kanya iyong paborito kong panyo.

"Here. Stop crying. Ikaw naman tong nagtaray sa amin."

Kinuha nya iyon sabay singa ulit. Gusto kong mapangiwi.

"Kasi kayo. Akala ko binully nyo iyong mga kapatid ko. I feel so guilty."

Tumitig ako sa kanya. Her cheeks is so pluffy plus reddish.

"Ano bang pangalan mo?" Tanong nya sa akin. Pagharap nya, namumula iyong dalawa nyang pisngi.

"Earl Javes. Ikaw?" Pinisil ko iyong pisngi nya. "Ang cute. Para kang strawberry."

"Ang galing! Iyon ang pangalan ko eh. Strawberry Rain."

Ngumiti ako. "Bagay sayo ang pangalan mo."

"I know. Maganda daw ako sabi ng mama ko."

I shooked my head. And beginning from this day, naging bestfriend ko itong batang babae na ito.

---
Inayos ko ang salamin ko habang nakamasid kay Strawberry na panay ang singa sa tissue.

"Stop. Papangit ka kakaiyak mo sa walang kwentang tao."

"I can't help it. Pride ko ang natapakan dito."

Bumuntong hininga ako at naupo sa tabi nya.

"You bugged me dahil dito?"

"Nasaktan ako, Pump." Yumakap sya sa braso ko.

"Huwag mo kasing madaliin ang sarili mo. Darating ang tamang tao para sayo."

"Gusto kong maramdaman iyong may nagmamahal sakin." Aniya.

Mabilis akong napabaling sa kanya. Hindi ko alam kung manhid ba sya o talagang hindi nya lang napapansin na mahal ko sya. Hindi bilang bestfriend kundi bilang sya.

Yes. You're right. Mahal ko si Strawberry matagal na. I didn't know when it started but I know for myself that I love her. Kaso hindi nya naman alam at sa tingin ko, wala syang pakialam.

"Kuya! Where have you been? Iniwan mo pa itong mga libro mo dito. Akala ni Papa, akin yan."

Iyong ang salubong ni Emsi sa akin pagpasok ko sa mansyon namin.

"Ang ingay mo." Sita ko.

"Hmp. Huwag ka kasing umaalis bigla." Humalukipkip pa itong si Emsi. "I think alam ko na kung sana ka galing."

"Shut up, okay."

"Galing ka na naman kina Strawberry. Ikaw talaga kuya, kakayanin mong iwan ang lahat isang tawag lang ng bestfriend mo."

"Could you please stop."

"Palagi nalang si Ate Strawberry ang first priority ah."

"Isa. I said stop nagging about it." Naupo na ako at inayos ang mga papel sa center table.

"What's happening here?" Ej asked.

"Wala." Sagot ko.

"Itong si Kuya Earl, iniwan ang pagrereview nya para mapuntahan si Strawberry." Pagsumbong pa ni Emsi.

"Enough. Take her away from here."

"Bakit kasi dito ka nagrereview? May study room at library tayo."

"I want it here. Mas tahimik, kayong dalawa lang naman ang palaging nag iingay kapag nagrereview ako."

Tumawa si Ej. "Okay. Hindi nalang namin iisipin na baka mapuyat ka na naman kasi nagskip ka sa pagrerevie at pinuntahan si Strawberry."

Please Be Mine (Lausingco Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon