Chapter Eight

3.7K 82 3
                                    

Chapter Eight

First week ng January and unfortunately, nagkaroon kami ng hindi pagkakaintindihan ni Catalino. Ewan ko. Siguro nainis lang ako kasi okay lang naman sabihin sa akin na nagkakausap pa sila ng ex nya pero tinago nya. It's not a big deal for me. Open ako sa ganun. Iniwan ko nga sya sa restaurant kung saan kami nagkita.

Pinatay ko ang cellphone ko at nagkulong sa kwarto. Wala namang inimik si Mama, halata nga kasing ayokong pagusapan iyon. Isa pa, ayaw nyang sumama ako sa Cagbalete namin ng mga Lausingco bukas. Sinasama ko naman sya kaso may kailangan daw syang ayusin at ihahatid nya pa ang Mama nya sa airport dahil babalik na itong Cebu.

At dahil magkaaway naman kami. Sasama pa din ako sa Cagbalete. Aba, wala na akong babayaran tyaka gusto ko din naman makalayo muna sa kanya. Kung gusto nya, mag usap na muna sila nung ex nya. Wala naman akong pakialam. Wala talaga. Di naman ako nagseselos. Ayoko lang talaga ng nagtatago sa akin. Yun lang.

"Akala ko naman hindi ka na sasama." Salubong sakin ni Earl.

Ako nalang kasi ang hinihintay. Medyo tinanghali ako ng gising. Inabot ni Earl iyong duffle bag ko at nilagay na sa loob ng van. Niyakap ako ni Primrose noong nakita nya ako. Sila sila lang magpipinsan ang pupunta ng Cagbalete, pero ang alam ko baka sumunod sina Tita Anne Marie.

"Dapat pala sinama ko sina Sinag." I said aloud.

"Oh. Sama mo na ate." Si Prim sa tabi ko.

"Huwag na. Nakakahiya no. Sabit nga lang ako dito sa get away nyo." Humagikhik ako at pinisil ang pisngi ni Prim. Sya kasi pinakabata sa mga Lausingco.

"Wala pa si Zild?" Rinig kong tanong ni Ej. Sya ang magdadrive.

"Natakbo na daw sya." Sagot ni James Michael.

Syempre, nanginang ang mata ko kasi kasama pala sya. Halos hindi ko na sya nakilala. Isa sa mga crush ko iyan. Alam ko lang busy sya sa Manila ngayon. Plano atang maging direktor nito.

Napaayos ako ng upo nang bumaling sya sa akin. James Michael smiled at me and nod his head. Naputol lang ang titigan namin ng iharang ni Earl ang sarili nya. Sinimangutan ko talaga sya. Epal.

"Ayan na pala! Zild! Bilis!" Sigaw ni Emerald.

Humahagos si Zild na humawak kay Shinubo. Sa pagkakaalam ko lang, si Zild iyong inampon ata ni Cynthia Torres na appreantly, sinadya nyang kunin dahil noong time daw ng kabataan ni Zild, medyo nagkaproblema si Tita Ylona sa pagkarecover sa pangangak.

At ewan ko kung totoo. It's not my story to tell anyway.

We high five at humalik sya sa pisngi ko. Ngising ngisi naman ako kasi Reyna nga ako ng mga Lausingco at si Prim at Emsi, prinsesa nila.

Hindi naman nagtagal ay lumarga na kami. Nakasiksik ako sa may bintana at sino pa bang katabi ko? Si Pumpkin, dapat kasi si James Michael kaso ang bilis lang umupo ni Earl sa tabi ko. At kanina pa tumutunog ang cellphone ko. Panay din ang reject ko, sa ngayon ayaw ko munang makausap si Catalino. Baka kung ano pa masabi ko.

"Tatapakan ko na iyang cellphone mo. Isa pang tunog nan." Si Earl. "Bakit kasi hindi mo sagutin?!"

Walang buhay kong binato sa kandungan nya iyong cellphone. Kunot noo nyang pinatay iyon at tinanggal ang batery sabay lagay sa duffle bag nya. Ngumuso ako sa kanya at yumakap sa braso nya.

"Magkaaway na naman kayo?" Marahan nyang tanong. Tumango ako at kinuskus ang mukha ko sa manggas ng tshirt nya.

"Bakit?" Sunod na tanong nya.

"Nagtago na naman sya. Okay lang naman sa akin kung nag uusap sila ng ex nya, kaso dapat sinabi nya. Hindi iyong sa mga tropa nya pa ko malalaman." Bumuntong hininga ako. "Alam mo naman na ayaw ko nang nagsesekreto sakin diba, Pump?".

Please Be Mine (Lausingco Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon