Chapter Twenty Four

3.2K 63 8
                                    

Chapter Twenty Four

I kept on looking at my wrist watch. Nabobore na kasi ako, at kapag lalo kong tinitignan ang oras, lalong bumabagal.

"Strawberry, last set na." Ani Vice sa akin.

Bumuga muna ako ng malalim na hinibga bago tumayo. Hinubad ko ang robe and it revealed my backless top with a gstring panty. Ito kasi iyong bagong design ng summer collection ng isang sikat na designer mula Paris. Too much skin to show, but I won't mind. Confident naman ako sa katawan ko.

Ginawa ko na ang best ko dahil last set na ito. Tyaka isa pa, pagod na ako. It was past seven pm already. Buong maghapon kaming nagpipictorial. I fiercely looked at the camera bago ko nakitang bumukas ang pinto. Wala namang nakapansin kay Earl at kung meron man, they won't mind kasi ang alam nila, bestfriend lang kami.

Agad na dumirekta ang mata nya sa akin. I smiled at him. Pumalakpak iyong photographer, dinedeklarang tapos na ang photoshoot.

"Pack up everyone." Ani Tito Tony. "Good job, Strawberry. I'm sure this will be your biggest break again."

"Thank you for this Tito." I kissed his cheeks.

"Basta iyong pabor ko."

Natawa ako. Last week nya pang inuulit sa akin iyong ilakad ko daw sya uli kay Mama. And knowing Cherryl, mukhang mahihirapan ako. Ang focus kasi ni Mama ay kaming tatlo muna. Kaya wish Tito Tony a good luck.

Sinulyapan ko si Earl. Prenteng umupo sya sa isa sa mga monoblock doon. Bago ako tuluyang pumasok sa loob ng dressing room ay nakita kong nag-apiran pa sila ni Tito Tony.

"Pansin ko, palagi ka atang sinusundo nung papable sa labas." Ani Iara. "Jowabels mo?"

Napatitig ako sa kanya gawa nung blue hair nya. Litaw na litaw eh.

"Hindi. Bestfriend ko lang iyon."

"Ay ganun? Sayang ate. Ang pogi nung lalaki. Kung ako ang may jowa nun, di ko ikakahiya." Aniya na para bang may alam sya.

"Nope. We're just friends. Bestfriends perhaps." Ngiti ko pa.

Tinulungan nya akong magbihis. At pagkatapos ay nagpaalam na ako sa kanya. Mag isa nalang si Earl na nakaupo doon habang nakakunot ang noo na nakatitig na naman sa cellphone nya. Ipinuyod ko ang buhok ko.

"Pst. Pump, lika na." Anyaya ko sa kanya.

Actually, hindi na naman ako nagpapasundo sa kanya but knowing Earl Javes, hindi yan papatalo. Alam ko kasi may magdamag silang meeting ngayong araw. Ewan ko lang kung anong oras natapos.

"Tito Tony asked if we're together." Sabi nya habang kumakain kami dito sa apartment nya.

"Anong sabi mo?"

Kumibit balikat sya. "We're just bestfriend."

Binaba ko ang kutsara at tinidor. Umiling lang sya.

"Sorry, hindi ko pa kasi alam kung paano sasabihin sa kanila na tayo na."

"I understand. I will always understand." He said with finality.

I sighed.

Hinatid na nya ako sa bahay ni Tito Tony after our dinner. Aniya'y pagod daw sya. Naawa naman ako. Pinainom ko muna ng gamot nya. Hindi na din sana ako magpapahatid kaso makulit sya kaya wala na din akong nagawa pa.

I kissed him goodbye and waved at him. Tumango lang sya sa akin bago bumusina at umalis. Nanatili akong nakatayo doon sa pwesto kung saan nya ako iniwan. I was watching him. Masama na naman siguro ang loob nya.

Please Be Mine (Lausingco Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon