Chapter Twenty Nine

3.1K 60 3
                                    

Chapter Twenty Nine

"Earl ha." Pangungulit ko habang naka-back ride sa tricycle.

[Just get your ass here.]

"Sungit. Piliin mo kasi iyong babaeng kontento na sa jerjer." Natawa ako. "Hindi iyong naghahangad ng hanggang doon pa."

[Whatever. Please faster.]

"Eto na." Tinuro ko sa driver iyong pagbababaan ko. "Ito po ang bayad."

Inayos ko ang suot ko at lumakad na papasok sa mall. Ngayon kasi, may ididspatsya na naman akong jowa ni Earl. Awan ko ba dito, hindi iklaro sa mga babae nyang hindi naman nya kayang magseryoso.

[Where are you now?]

Nakita ko na syang nakaupo sa loob ng starbucks with Rovelyn. Alright, you read it correctly guys. Jinowa nya si Rovelyn tapos ngayon naiirita na sya kasi ayaw na syang pakawalan at nasasakal daw sya.

At bilang bestfriend naman nya ako, at role ko talaga ang dumispatsya ng mga jowa nya ever since.

[Where are you now, Pumpkin?]

Napailing ako nang makita kong sinubukang agawin ni Rovelyn iyong phone nya.

"Basta iyong promise mo na ilalakad mo ako kay James Michael. Okay?"

[Tss. Oo na.]

Binaba ko na ang tawag at pumasok sa starbucks. Kitang kita ko ang kaginwahaan sa mukha ni Earl nang makita ako. Dumiretso ako sa kanya agad.

"Hi."

"Anong ginagawa mo dito?" Rovelyn asked me.

"Oh. You're not informed? Magdedate kami ni Earl."

"At bakit?" Humalukipkip pa si Rov.

Natawa ako. "Eh kasi break na kayo ng bestfriend ko diba? At tyaka Ate, maganda ka. Huwag mong ipagsiksikan ang sarili mo sa lalaking hindi ka na mahal."

"How dare you Earl!"

Prenteng naupo lang si Earl sa harapan ni Rov.

"Rov, you deserve someone okay? Bye, alis na kami." Bored kong sabi. "Halika na, Earl. Nuod tayong Ulan. Diba crush mo si Nadine?"

"See you around, Rov." Ngisi ni Earl. Ang gago lang diba?

Well. He's true enough kasi nanuod talaga kami ng Ulan. I've known Earl, patay na patay to kay Nadine. Paano, sexy. Hay naku.

"Iyong ano ha! Favor ko." Ulit ko na naman nung nakatambay kami sa may labas ng bahay nila.

After kasi naming magsine, diretso uwi kami. Nagkaayaang magbeer muna bago matulog.

"How many times do you have to repeat it?" Masungit nyang sabi. Nakataas pa ang kilay.

Lumagok ako sa bote ko. "Baka kasi malimutan mo."

"Eto. Ichat ko na para makuntento ka."

Napapalakpak ako. "Yey! Yan ako sayo eh."

I heard him murmured something before fishing out his phone from his pocket. Syempre lumapit ako sa kanya para silipin kung talaga bang chinat nya si James Michael.

Right after he send a message asking where is James Michael, ngising ngisi na ako sa kanya. Earl just made a face. Ang bait talaga ng bestfriend ko.

"Kuya, Mama is asking for you. May itatanong daw sya!" Sigaw ni Emsi mula sa may main door.

Lumingon ako dun bago ko binalik ang tingin ko kay Earl. I almost gasped at his serious stares. Kinailangan ko pang pitikin ang dulo ng ilong nya para matauhan sya kasi titig na titig sya sa akin.

Please Be Mine (Lausingco Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon