Chapter Fifteen

3.7K 60 2
                                    

Chapter Fifteen

I continued stalking ELL for the past months na hindi ako busy sa trabaho. I also asked Mama if I can be a part time model. Bahala na daw ako sa gusto ko.

Nga pala, she got a work. Doon sa friend nya sa Husgado. Sunday ang day off ni Mama. Hindi na nga nya ako pinababalik kay Tito Tony, pero dahil tinanggap ko ang trabaho wala na din uling nagawa si Mama. I even promised to myself na kapag nakapagipon naman ako, pagpapatuloy ko ang pagpasok ko. Bale isang taon nalang iyon, sayang din kasi.

"Extra extra ka palang muna, Rain. Bale, itatawag or itetext nalang kung kailan ang schedule mo for modeling. Okay lang ba?" Tito Tony asked me.

"Oo naman po. Siguro hahanap nalang din ako ng pansamantalang trabaho para makapag ipon ako at magkapag aral na."

"Gusto mong maging scholar?"

"Luh. Pang matalino lang yun."

Ginulo ni Tito ang buhok ko. "Hindi ah. Basta ba masipag kang mag aral. So ano? Deal?"

"Alam mo Tito. Kundi kita kilala, iisipin kong nagpapalakas ka para mapalapit sa mama ko kasi nalaman mong single mother na sya." Mapanuya kong sabi.

Umingos si Tito. "Gaga ka. Hindi. Gusto lang kita tulungan. Malayo pa ang mararating mo."

"Wala ngang pamasahe." Tumawa ako.

"Ikaw talagang bata ka." Iiling iling nya pa.

Matapos kong makuha ang schedule ng commercial ko para bukas ay umalis na agad ako at nagpaalam na kay Tito. Dumaan ako sa Home Gallery para tumambay saglit. I order matcha frappe and settled myself near the window.

I was sipping on my frappe when I spotted Ej. Nakasimangot at mukhang nagmamadali. I waved at him.

"San ka pupunta? And what happened?" I asked him as he kissed my cheeks.

"Sa Australia. May mga bagong investor si Papa mula doon. Kailangan kong lumipad agad dun."

"Oh. Bakit nandito ka pa?"

"I wanted to chill before that."

Napailing ako. Hinayaan ko syang umorder at bumalik sa tabi ko.

"Nga pala, you want some work?" He started.

"What work? Legal ba yan?"

Natawa sya. "Gaga ka pa din. Syempre."

"Ano nga?"

"Part time receptionist. Nagresign kasi iyong isa."

Tinaasan ko sya ng kilay. "Let me guess kung bakit? Nainlove sayo no?"

Kumamot sya sa batok nya at ininum na iyong kape nya.

"Hay naku. Mga Lausingco talaga."

"So ano nga? Gusto mo? Part time lang naman."

"Schedules?"

"Sunday, Monday, Tuesday and Thursday."

"Ay gooooo. Kailan ako magpapasa ng requirements?"

"Gusto mo ngayon na? Punta ka sa office. Nandoon secretary ko."

Pinisil ko ang magkabilang pisngi nya. "Thank you, Ej."

"Alright. I gotta go. Ingat ka dito ha." Muli syang humalik sa pisngi ko bago nagpaalam.

Umuwi naman ako agad para asikasuhin iyong requirements ko. Mabuti na din ito, malaki magpasahod ang mga Lausingco lalo na at sa Hotel ako magtatrabaho.

Please Be Mine (Lausingco Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon