Chapter Thirteen

3.4K 64 3
                                    

Chapter Thirteen

"Strawberry!"

Niyakap ako ni Ej nang makita nya akong lumabas sa apartment ni Tito Tony. Mabilis akong lumayo sa kanya at binatukan sya na halos matumba sya dahil hindi naging handa

"Aray! Ano bang problema mo?" Asik nya matapos himasin ang batok.

"Tanong mo sa pulis may sukli ka pang dies." Inirapan ko sya.

Tawang tawa naman si Earl sa isang tabi. Sinundo kasi nila ako at ihahatid daw sa trabaho ko. Kanina pa umalis si Tito.

"Kita mo itong si Straw. Iyan ba ang pabirthday mo sakin?"

Lumapit na ako sa backseat pero nakasunod pa din si Ej.

"Ay birthday mo?" Harap ko sa kanya. "So? Naiinis ako sayo."

"Bakit naman aber?"

"Itanong mo nga sa pulis. Ayokong kumausap ng playboy." Muli akong umirap at sumakay na sa sasakyan.

Pinigilan ni Ej ang pagsara ko ng pinto.

"Playboy din si Earl, bakit natitiis mo syang kausap?"

"Iba namang kaso iyon tol. Magbestfriend kami. Dikit ang bituka namin." Singit ni Earl na tatawa tawa pa din.

Ej made a face before facing me again.

"Straw.."

"Ano? Okay. Happy Birthday Ej. Mamaya na red horse mo kapag hindi na ako galit sayo." Sarkastiko kong sabi.

Naihilamos naman nya ang palad nya sa mukha nya.

"Ano?"

"Si Sinag daw, Tol. Layuan mo." Sinamaan ko agad ng tingin si Earl.

"What about her?" Patay malisyang tanong ni Ej. Piningot ko naman iyong tenga nya. "Fuck! Masakit na, Straw!"

"Basta! Layuan mo si Sinag. Toxic ka sa buhay nya."

"Toxic ka din naman sa buhay naming mga Lausingco." Mabilis na sagot ni Ej. Sinapak ko ang bibig nya. Hinuli nya iyon at pinisil. "Nakakasakit ka na, Strawberry."

"I hate you. Bitawan mo ko." Nanliliit pa ang mata ko.

"Kahit may dala akong dilis?"

I lost it. Nilahad ko ang palad ko. Pinatong naman ni Ej iyong dilis na kutkutin sa palad ko. I smiled.

"Okay na tayo. Masakit ang batok mo ha."

"Basta huwag mong isasali si Sinag sa mga koleksyon mo." Sinimulan ko ng kainin iyong bigay nya.

"Sakay na, Ej. Idadaan ka pa namin sa Hotel."

"Bakit kasi nagresign ka. Ayaw naman ni Emerald maging manager pansamantala."

Habang sinasabi ni Ej iyon ay lumilipat na sya sa passenger seat. Tumingin ako kay Earl kasi hindi nya nabanggit na nagresign sya sa Hotel bilang manager.

"Ej ha. Si Sinag, layuan mo." Ulit ko ng makarating kami sa tapat ng Hotel.

"Bahala na. Ang chicks ng kaibigan mo."

Hinabol ko sya ng hampas kaya lang ay mabilis syang nakababa ng sasakyan. Bumaba din ako para lumipat sa passenger.

"Mukhang malabo nyang malayuan si Sinag. Intern sya sa Hotel." Ani Earl.

"Dudukutin ko ang mata nya." Bumaling ako sa kanya. "Nagresign ka na sa Hotel? Bakit hindi ko alam?"

Nanatili syang tahimik kaya sinuntok ko ang braso nya.

Please Be Mine (Lausingco Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon