Prologue

17.9K 172 15
                                    

Prologue

"Earl!" Ngawa ko habang pinupunasan ng tissue ang mga luha ko. Suminga pa ako. "Bakit ganun? Bakit ganun ang mga lalaki? Palagi nila akong sinasaktan."

Humagolhol pa ako. Paglingon ko kay Earl, nakataas lang ang kilay nya sa akin. Automatikong ngumuso ako.

"Bakit ganyan ka? Nasasaktan ang bestfriend mo, yakapin mo naman ako." Asik ko sabay kuha ng bagong tissue.

"Ang arte mo kasi."

"Grabe. Ramdam na ramdam ko ang concern mo! Thank you!" Sarkastiko kong sabi.

Umiling sya at biglang pinulupot ang braso nya sa balikat ko sabay hila sa akin para tumama sa matigas nyang dibdib.

"Aray naman!"

"Tss. Ilang oras ka pa bang magngangawa jan?"

"Ang sama mo! Hindi mo man lang ako dadamayan?"

Binitawan ko ni Earl na muntik pa akong matumba sa kinauupuan ko. Binato ko sa kanya iyong gamit kong tissue. Ngumiwi sya.

"Ano ba naman yan, Strawberry!"

"Eh kasi..." ngumawa ako uli. "Nasasaktan ako dito, Earl. Tapos hindi mo manlang ipapakita ang concern mo?" Patuloy ako sa pagpunas sa luha ko.

Inayos ni Earl ang suot nyang reading glasses at bumuntong hininga.

"Inistorbo mo ako dahil lang jan sa sawi mong pag ibig?" Mataray nyang sabi.

Suminga ako sa tissue at nilapag iyon sa gilid ko. Pinagmasdan ko ang itsura ni Earl. Nakasuot sya ng white sando and a stripe panjamas tyaka suot na ang reading glass nya. Samantala ako, suot ko ang croptop blouse ko at high waist pants. Galing kasi ako sa SM at nahuli ko iyong boyfriend kong may kasamang palaka. Syempre sinugod ko, pero ang gago! Tinanggi ako! Wow! Ang gwapo nya!

"Hindi mo naman gaanong mahal iyon ah? Bakit umiiyak ka jan?"

"Iyong pride ko, Pumpkin! Tinapakan lang ng gagong iyon! Hindi ko matanggap!"

Tinuktukan nya ang noo ko.

"Tigilan mo na nga iyan. Magpahinga ka na at may pasok pa bukas." Tumayo na sya.

"Mamaya ka umuwi. Damayan mo naman ako." Ngusong nguso na ako.

Bumukas ang gate ng bahay namin at lumabas si Blueberry. Iyong bunso kong kapatid.

"Ate, pumasok ka na daw at naririndi si Mama sa pagngawa mo." Natatawa nyang sabi.

"Oh. Pasok na, Pumpkin." Isang hilahan lang ni Earl sa akin patayo.

"Uwi ka na daw Kuya Earl. Hayaan mo na si Ate." Ginulo ni Earl ang buhok ni Blueberry.

Ngumisi si Blueberry bago pumasok sa loob ng bahay. Iniwan nyang bukas ang gate. Hinarap naman ako ni Earl.

"Sige na. Pumasok ka na." Pinitik nya pa ang ilong ko. "Pumapangit ka kakaiyak jan."

"Salamat Pumpkin!"

Patalon ko syang niyakap. Natawa sya at tinapik tapik ang likod ko. Bago ko sya pakawalan ay suminga muna ako sa laylayan ng tshirt nya. I heard him groaned.

"Straw naman! Papagalitan na naman ako ni Mama." Aniya.

Dumampot sya ng tissue at pinahid doon sa malapot kong sipon. Napangiwi pa sya. I giggled and kissed his cheeks.

"Bye Pump!"

"Oo na Pump. Pumasok ka na." Inis nya pa ding sabi.

"Pump, ikaw na din pala magtapon nung tissue." Pahabol ko habang sinasarado ang pinto.

"Ano pa nga ba?"

Kumaway sya mula sa itaas. Nilingon ko iyon at nakita si Mama doon.

Pinagmasdan ko pa ang paglalakad ni Earl palayo sa bahay namin. And just like that, I feel better now. Basta dinamayan ako ni Pump. He's my bestfriend since I was Ten years old. Napagkamalan pa ngang binubully ko iyong bunso nilang kapatid. Tinarayan ko sila ni Eris Jon hanggang sa nakikita ko nalang ang sarili kong palaging nakikipaglaro sa kanila at naging bestfriend ko na nga si Earl, kasi ayoko sa ugali ni Eris Jon, sungit sungit akala mo gwapo.

"Strawberry.." malumanay na tawag ni Mama pagpasok ko sa loob ng bahay.

"Po, Ma?"

"Nagpapa-baby ka na naman kay Earl."

"Eh kasi Ma, hiniwalayan na naman ata si Ate Straw nung mukhang pwet nya g jowa." Singit ni Grapeberry.

"Ssh. Makapanglait to akala mo hindi sya mukhang tilapia." Sinimgutan nya ako.

"Ma! Si Ate oh."

"Tama na nga iyan. Magpalit ka na. At sa susunod, nak. Huwag mo ng istorbohin si Earl. Nakakahiya na."

"Ma!"

"Sa akin mo ilabas ang hinanaing mo."

"Sigurado ka, Ma?"

"On the secomd thought, huwag na pala. Nakakainis pagngawa mo."

Pumadyak ako. Tinawanan lang naman ako ni Mama.

"Sige na. Magpalit ka na ng damit sa kwarto mo."

Hinalikan ko lang ang noo ni Mama bago ako lumampas at umakyat pataas sa kwarto namin ni Grape. Isang two storey house na simple lang itong bahay namin ngayon. Sariling lupa at sariling pundar ni Papa bago sya binawi ng diyos sa amin. One year palang si Blueberry noon, nang atakihin si Papa sa puso. Sobrang pagod daw dagdag pa ang highblood nya.

Dalawang taon kami magluksa bago tuluyang bumangon. And since then, si Mama na ang naging Papa at Mama namin at the same time. Sa awa ng diyos, nakakaraos naman kami at nakakaya ang lahat.

Pagkapalit ko ng damit ay nahiga na ako sa ibabang bahagi ng double deck nung kama namin ni Grape. Binuhay ko ang cellphone ko at bumungad ang text ni Earl.

Pumpkin:
Sleepwell.

Wala sa sariling napangiti ako. I locked my phone and set aside. I am feeling better now.

Earl Javes Lausingco is my best best of friend ever. Ten years na kaming magkaibigan, magkadikit sa kalokohan at magkadamay sa lahat. Parang anak na nga din sya ni Mama dahil kapag nandito iyon, kala mo hindi sya mahal ni Tita Merlie kung maglambing sa Mama ko. Pero bawian naman, kapag nandon ako sa mansyon nila, ako ang lumalambing kay Tita.

Most of the people around us, always have the guts to tease us. Bakit daw hindi nalang kaming dalawa ang magkatuluyang. Tutal kilala na naman daw namin ang isa't isa, well to tell them the truth. Hindi romantic ang pagtitinginan namin ni Earl sa isa't isa. Bestfriend lang talaga. Tinatawanan na nga lang namin kapag may umaasar sa amin. And we will both shrugged our shoulders.

Walang malisya kasi lumaki akong magbestfriend lang kami. Tyaka playboy iyan si Earl, maybe it runs in their bloods.

Enough with Earl. I have to think of a better plan. Syempre, hindi ako papayag na tatapak tapakan lang nung ex ko ang pride ko. Hmm..

Dinampot ko uli ang cellphone ko at bago ko pa maisakatuparan ang pinaplano ko ay umurong na agad dahil sa nabasa kong text na naman kay Earl.

Pumpkin:
I knw wht ur thinking. U bttr stop it. Good Night.

Humaba ang nguso ko. Pasalamat ka, malakas ka sa akin.

Binalik ko nalang iyong cellphone ko sa side table at pumikit na. Paniguradong bukas ay maaga dito si Earl para isabay ako sa school. Grade concious masyado. Hmp.

Please Be Mine (Lausingco Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon