Chapter Thirty Nine (Part 1)

3.7K 69 3
                                    

Chapter Thirty Nine (Part 1)

"Bakit? Dati naman kahit gabi, nandito ako sa bahay nyo ah!" Pumayawang na ako.

"Dati iyon. Noong wala ka pang boyfriend." Aniya habang sinasayaw sayaw si Zk.

"Kahit naman may jowa ako noon. Ano bang big deal?"

"Wala." Umiwas sya ng tingin. "Baka kung anong isipin ni JM."

Tumaas ng sobrang taas ang kilay ko. Umismid pa ako dahil pumalahaw ng iyak si Zk.

"Ayan! Ang sungit mo kasi." Irap ko pa.

"Anong ginawa nyo sa anak ko?" Biglang dating naman ni Ej.

Isa pa syang inirapan ko. Mabilis nyang kinuha si Zk sa bisig ni Earl. I sat on the chair. Nagkatinginan kami ni Earl.

"Dumating lang kayong dalawa, nabulabog nyo si Zk." Ani Ej na patuloy sa pagtatahan kay Baby Zk.

"Iyan kasing kapatid mo. Ang sungit. Bakit daw nandito pa ako?"

Napailing nalang si Ej sa amin.

"Para pa din kayong mga bata." Aniya.

"Wow. Kita mo to, nagkaanak lang. Feeling matured na." Masungit pa din na sabi ni Earl.

Hindi na kami pinansin ni Ej at tumalikod na para pumasok sa mansyon. Muling tumingin sa akin si Earl, pero umismid ako at ngumuso.

"Uwi na. Ihahatid kita."

"Ayoko pang umuwi. Bakit ba? May kasama ka bang babae?"

Naihilamos nya ang palad nya sa mukha nya bago tumabi sa akin. Abot baot na irap na naman ang ginawad ko sa kanya.

"Wala akong kasama, okay." Aniya sa malamyos na boses.

Hindi nakatakas ang amoy ng alak sa bibig nya. Sinamaan ko sya ng tingin.

"San ka galing?" Tanong ko ng may maalalang kasalanan nya sa akin. Hinampas ko ang balikat nya. "Hindi mo ko pinansin kanina! Hayop ka! May kasama ka lang babae eh!"

"Ayokong tumingin sa inyo." Seryoso nyang sabi. Binasa nya pa ang nanunuyo nyang labi. "Nagseselos ako."

"Stop it, Earl! Stop saying na nagseselos ka pero mukhang hindi naman totoo."

"It's true. I'm jealous." Ngumisi sya. "Maybe it's a stupid. Stupid na nilakad kita kay James Michael kahit alam kong mahal na mahal kita, Strawberry."

"Earl.." suminok ako.

"Kaso hindi mo naman ako mahal. Kaya wala na akong nagawa kundi ang suportahan ka. Dahil bestfriend mo lang ako."

Tumawa sya ng mapakla. Suddenly, I became speechless.

"Sa kabila ng lahat, Strawberry. Sinuportahan kita kahit sakit ang dinulot nito sakin." I even heard his voice broke.

I wanted to say I'm sorry. But I can't. Not when he's like this. Tumibok ng mabilis ang puso ko ng magtama ang mata naming dalawa.

Earl's eyes had full emotion. Samu't sari.

Silence filled us after. Hindi ako umimik, hindi din umimik si Earl. He keep on sighing.

Kusang gumalaw ang katawan ko para yakapin sya. Tila wala lang naman kay Earl iyon. Hinayaan nya lang akong yakapin sya. I wanted to ease the pain he's feeling.

"What happened?" Paos nyang tanong. "I know that you're going here if there's no problem."

I pursed my lips. "Wala lang. Nasaktan lang ako kanina sa dinner namin ni James Michael with his family and his ex girlfriend."

Please Be Mine (Lausingco Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon