Chapter Thirty Two

3K 52 1
                                    

Chapter Thirty Two

Minadali kong makababa ng tricycle at tumakbo na sa entrance ng hospital. Nanganak na kasi si Sinag ngayon. Buti at nakauwi ako sa Lucena kagabi. Kundi pa ako tinawagan ni Earl kagabi, hindi ko pa malalaman.

Ingay ng suot kong takong ang narinig ko nang makarating ako sa nurse station para magtanong.

"Miss, saan ang room ni Sinag Aguilar?" Habol hininga pa ako.

"Sa third floor po. 304."

"Okay, thank you."

Tumalak ako sa elevator at pinindot ang tamang floor. Typical na araw ngayon sa hospital dahil maraming tao. Good thing at nakita ko agad ang room 304. It is a private room, syempre, Lausingco. Napairap pa ako bago pinihit ang seradura.

Si Sinag ang una kong nakita. She's sleeping peacefully. Bago ko pinasadahan ng tingin ang mga tao sa loob. Napatawa pa ako dahil tahimik silang lahat.

Dumiretso ako sa pwesto nina Tita at Tito para magmano. Sunod ay nilapitan ko ang mga magulang ni Ej para humalik sa mga pisngi nila. Then si Eli, sunod ang dalawang Lausingco.

"How was it?" I asked Ej.

"Healthy. Mamaya daw ay dadalhin dito. It's a boy, Straw!"

"Oh my! Really? Excited na akooooo."

Binawalan ako ni Earl dahil sa ginawa kong pagtili. Sinupladahan ko sya.

"Ate, alam mo bang nag inarte si Sinag kanina?" Ani Eli nang tumabi sya sa akin.

Tumaas ang isa kong kilay. "Ano namang drama?"

Kumibit balikat. "Sabi ni Tita kanina. Diba nga dadalhin na sa delivery si Sinag, syempre tinanong kung sino ang sasama sa loob. Nagpresinta si Koya Ej mo. Eh ang ate mo Sinag, sumigaw. Ayaw daw nya kasama si Emoji sa loob. Natanga pa at nagbanta na hindi iiri ang bata kapag si Emoji ang kasama sa loob. Ang gaga talaga."

"At bakit naman kaya magdadrama ng ganun si Sinag?"

"Siguro nakita iyong recent picture ni Shaira at Emoji sa social media. Feeling asawa." Natatawang sabi ni Eli.

Biglang syang tinuktukan ni Earl sa noo.

"Ang ingay mo. Tsismis ng tsismis." Ani Earl bago naupo sa tabi ko.

"Sinasabi ko lang iyong kaartehan ni Sinag kanina. Manganganak na't lahat, talaga naman." Napatawa na din ako. Si Sinag talaga.

"Hoy Ej, huwag mong titigan." Panunuya ko pa pero hindi nya ako pinansin. Bumaling ako kay Eli. "Kundi ko kilala si Emoji, iisipin kong sobrang nag aalala iyan kay Sinag, pero naaah. Lausingco yan."

Ilang saglit pa ay natahimik kami kasi kumilos si Sinag. Nagmulat pero agad na nagpikit dahil siguro nakita ang paninitig ni Ej. Napailing ako kay Ej, kita mo to. Di maintindihan.

"Congrats Mommy Sinag!!" Sigaw namin ni Eli nang tuluyan ng magmulat si Sinag.

Napatigil ang tangkang pagtayo namin ni Eli nang maunang lumapit sina Tita kay Sinag. I just smiled bago ko naramdaman ang ginawa ni Earl na pagkalikot sa dulo ng buhok ko. Well did I mention that I dyed my hair into a ash blond? Ganda nga eh.

"Ano naman itong drama mo kanina, ha, Sinag?" Pataray kong tanong sa kanya.

"Ang alin?"

Umirap ako at siniko si Eli.

"Sabi nag inarte ka daw kanina at ayaw ipasama si Emoji sa loob ng delivery room. Bakit naman aber?" Humalukipkip pa si Eli.

Umiwas ng tingin si Sinag at pinaglaruan ang mga kamay nya.

Please Be Mine (Lausingco Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon