Chapter Twenty Five

3.1K 60 7
                                    

Chapter Twenty Five

Nagpasalamat lang ako kay James Michael at halos takbuhin na ang papasok sa Hotel. May thirty minutes break pa ako kaya dumiretso ako sa elevator. Pero pagbukas, si Dada ang bumungad sa akin.

"Miss Strawberry!" Gulat nyang sambit.

"Si Earl?"

"Nag-early out po,"

"What his reason?" I tried calling him pero puro ring lang.

"Sumakit daw po ulo. Kahapon po kasi ay magdamag iyong nakatutuk sa computer."

"Oh. Okay."

"Nandyan naman po si Sir Ej if ever na may concern kayo."

Nagpasalamat at bumalik nalang ako sa reception desk. Hindi na nga tuluyang sumagot si Earl sa mga tawag ko. Sinilent ko na iyon dahil babalik na ako sa trabaho ko.

Dumiretso ako sa greenwhich after ng out ko. Pagkatapos ay nagpahatid ako sa taxi sa apartment ni Earl. May mga nakaparadang tatlong sasakyan doon nang bumaba ako mula sa taxi.

I was a bit hesitant to press the doorbell. Baka kasi mamaya importanteng bisita lang pala iyon. Kaso sa huli, pinindot ko na din.

Tatlong beses tumunog iyon bago ko namataang lumabas na isa isa ang mga bisita. Nakilala ko ang pinsan nyang si Shinubo at Ramgiorel na kasama si Zild. Tyaka apat na babae. Huling lumabas si Earl.

"Oh! Mahal na Reyna! Napadalaw ka?" Bati ni Ramgiorel na nakangisi pa.

Niyakap at hinalikan nila ako sa pisngi. Hilaw na ngiti lang naman ang naibigay ko nang magtama ang mata namin ni Earl.

"We had so much fun, Earl." Ani noong babae.

"Me too. Thank you guys." Ngisi nya pa.

"Paano bro, uuna na kami. Ayos ka na ba?"

"Can I stay for a while?" Presinta noong babaeng tumabi kay Earl.

I narrowed my eyes on her. Sexy butt cheek huh? At ano namang gagawin nila ni Earl kaya sya magpapaiwan.

"Oh no. You can't. Ihahatid na kita." Halakhak pa ni Zild. "Mahal na Reyna, mauuna na kami."

Tahimik lang akong pinagmasdan syang ihatid ang mga pinsan at iyong mga babae. Kaway na kaway pa sya at nang mawala sa paningin nya ang sasakyan ay tila inip syang bumaling sa akin. I raise my brow at him.

"Akala ko ba masakit ang ulo mo?"

Lumapit sya sa akin at kinuha iyong pizza box na dala ko. Hindi nakatakas ang amoy ng alak sa hininga nya.

"You smell like alcohol. Nag undertime ka para lang makipaginuman?"

"What is with you anyway?" Sagot nya.

Pakiramdam ko umusok ang tenga ko dahil sa sinagot nya.

"Girlfriend mo ako, Earl!"

"Bakit? Boyfriend mo ba ako?" Tuluyan na syang nakapasok sa loob ng apartment.

Agaran akong sumunod sa kanya.

"I should know what will happened to you. Nag alala ako kanina noong sinabi ni Dada na umuwi ka na kasi masakit ang ulo mo. Tapos madadatnan kitang nakipag inuman sa mga pinsan mo and what's worst? May mga babae pa."

"Wala namang nangyaring masama ah."

"Dapat sinabi mo. I am your girlfriend!"

"But I think that you never acted like my girlfriend for real. You were keeping me a secret for five months. Ayaw mong may makaalam diba? Dahil ano? Para hindi isipin ni James Micahel na taken ka na. At sa part mo pwede pa kayo?"

Please Be Mine (Lausingco Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon