Chapter Sixteen

3.5K 64 2
                                    

Chapter Sixteen

"Good Morning." Bati ko sa guard after kong mag-log in sa book.

"Good Morning, Ma'am Straw."

Kumaway din ako kay Jennylyn na nakatayo na sa may reception desk. Two months na simula nang magstart ako bilang receptionist dito sa Lausingco Hotel. So far so good, I am loving the work here. Kaya pinagpapatuloy ko ang pagpapart time ko dito eventhough I'm studying. Yeah. Pero sa online na. Hassle kasi sa modelling plus this part time work. Pero all in all, masaya naman ako.

"Sabi mo, aagahan mo?" Jenny asked.

"Ano pa bang aasahan natin. Trapik kaya."

"May bago daw tayong makakasama." Aniya. "Narining kong tanong nung secretary ni Sir Earl."

"Oh? Kelan papasok?"

Kumibit balikat sya. "Di ko lang alam."

The day started well. Inayos ko ang daily reports ng Hotel para sa week na ito habang si Jennylyn ay umasiko sa mga nagpapabook.

Sabay kaming naglunch break and our day ended well, too.

"Sigurado kang hindi ka sasabay?"

"Di na nga. Tyaka out of the way kaya ang bahay mo sa bahay ko."

"Ay oo nga pala. Sige na. Gogora na ako at baka magkikita pa kayo ng jowa mo."

"Gagi. Wala akong jowa." Humalik na ako sa pisngi nya.

Pinanuod ko syang sumakay sa taxi bago ko binalingan ang Lausingco Hotels. Medyo hindi ko nakita si Earl ngayon. Ang alam ko kasi pinagpatuloy na nya ang pagiging Manager sa hotel dahil graduation na din naman at sigurado namang magna cum laude sya.

Ako:
Pump? San ka? Kain tayo sa Yellow Cab.

Lumakad ako sa katapat lang na convinience store at pumasok doon. Naalala ko kasing kailangan ko ng bumili ng panty liners, shampoo na stocks.

Bumuntong hininga ako at nasakto pang sa tapat ng stall ng condoms ako napwesto. But I just shrugged it off. Pag atras ko, may natapakan na pala ako. I heard him groaned.

"Nakuu! Sorry. Hindi kita napansin."

"It's alright. Medyo matalim lang iyang takong mo."

Napakurap kurap ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. And when the man look up, our eyes met. Tila agad na kumabog ng mabilis ang dibdib ko seeing those very rare eyes of him. Iyong left eye nya, kalahating violet, kalahating brown while the right eye is pure brown.

"Hi, James Michael." My lips stretch for a wide smile.

"Oh, Strawberry. Nice seeing you here."

"Ako din. Ahm, mag isa ka?"

"Yeah. Bumibili lang ng stocks. Ikaw?" Bumaba ang tingin nya sa suot ko. "Oh, you work for Lausingco Hotels?"

"Ah oo. Receptionist." Hindi mapuknat ang ngisi ko.

Ano ba! Syempre, crush ko kaya itong kausap ko ngayon.

"I see. Good for you."

Nagkasabay kami sa pagbabayad ng mga pinamili and we walk side by side.

"Hmm.. pauwi ka na?" Tanong nya.

Tumunog ang phone ko. I immediately took it and saw Earl Javes calling me.

"Sagutin mo na."

"Hindi naman importante to." Pinatay ko ang tawag at tinago sa bag ko ang phone. "Hehe. So mauuna na ko ha. Ingat."

Please Be Mine (Lausingco Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon