"Ms. Lazaro in my office now." walang emosyong sabi ng Prof ko.
Tumingin ako sa mga kaibigan kong sina Bea, Kianna at Ella nginitian ko ang mga ito ng nakakaloko.
"Yes sir." nakakalokong sabi ko at saka ako tumayo sa desk ng arm chair na inuupuan ko.
Ano naman kayang nais nito. Sa totoo lang medyo naiinis talaga ko everytime na inuutusan ako nitong Professor ko na 'to kaya para makaganti ako sa kanya hinaharot ko sya sa harap ng mga classmate ko which makes her irritated.
Pagdating namin sa office nya ay agad nitong nilock ang pinto.
I just rolled my eyes.
"What do you want Aly?" Inis na sabi ko
Tahimik itong naupo, may kinuhang itong papel sa drawer niya at saka inilapag sa table niya.
"Ano naman yan?" Tanong ko dito
"You're midterm exam Dennise." walang emosyon na sabi nya
"And?" I asked. Naupo ako sa table nito. Mukha kasing naiinis na sya sa inaasal ko.
"Damn it Dennise!" Sigaw nya buti na lang at kaming dalawa lang sa room na iyon.
Madalang magalit itong si Alyssa sobrang kalmado sya kahit pa nga minsan walang nakikinig sa kanya habang nagtuturo.
"20/100 seriously?" gigil na sabi nito
Medyo napangisi ako. Sinadya ko talaga yun. I can perfect my exam madali lang naman yun. Gusto ko lang talaga inisin ang parent ko di ko naman alam na pati sya maiinis.
"Midterm exam palang yan. Kaya kong bumawi sa finals." sagot ko dito.
"If you want to end the shit between us then please do better. You may go."
Huh! Shit between us? You think ginusto kong magpakasal sa'yo? Damn you!
Yes, you heard it right we're married.
4 years na kasi ako sa college shift ako ng shift or sometimes di talaga ko pumapasok ng isang buong semester. They thought I'm dumb or what kaya kahit college na ko naghahire pa sila ng tuitor for me pero walang tumatagal. Napipilitan silang sesantihin ang mga yon dahil sinasabi ko na may nangyayari samin but the truth is wala. Until this Alyssa Valdez came bago pa man daw may mangyari samin e pinakasal na kami we can file an annulment paper when I graduated college. Ewan ko ba bakit pumayag tong si Alyssa.
Inis akong lumabas sa office nya at pabagsak kong sinara ang pinto.
Bwisit ka Valdez! You never fail to ruined my day!
Pagbalik ko sa classroom namin ay may professor na. At nalate pa ko dahil sa kanya bwisit talaga.
Buti na lang walang pake tong prof na to sakin actually sa lahat ng estudyante nya.
"Anong nangyari sa'yo?" Curious na tanong ni Kianna.
"Wala ininis na naman ako nitong si Valdez." Sagot ko. Umiling na lang ito at nagbalik sa pakikinig sa prof namin.
After class ay dumiretso na kong umuwi. Nag-aaya pa nga sila Ella gumala pero wala akong sa mood.
All I want is to think what can I do to make a revenge for Alyssa.
Nakakainis sya.
Pag-uwi ko sa condo ay nakalock pa ito.
Teka, 6pm na ah bakit wala pa yun?
Hayaan mo na nga. Malaki na sya.
I went to our room to change my clothes. Mamaya na ko maliligo bago matulog.
Yes, we slept together. Wala naman kaming choice dahil yung condo unit na binigay ng parents ko para samin ay mayroon lang na isang kwarto, sala, kitchen and a bathroom.
Pang-isang tao nga lang to e.
Nagpunta na ko sa kitchen para magluto. Di talaga ako magaling dito. Madalas si Alyssa nagluluto kaso 6pm na at wala pa sya kung aantayin ko pa yun e mamamatay ako sa gutom.
Naisipan kong magpirito na lang ng itlog at hotdog, iyon lang kasi ang madaling lutuin na nasa ref. Nagsaing na din ako sa rice cooker. This thing is really useful lalo na sa tulad kong di marunong magsaing.
Dahil di pa luto yung rice at tapos na din naman na ko magpirito ay naisipan kong umpisahan na muna yung mga assignments ko.
Aaminin ko, nag-eenjoy ako sa course na napili ko ngayon. I try Civil Engineering, Architechture and Accountancy pero non of those makes me happ kaya din di ako makatapos tapos sa pag-aaral.
Then I realize na lahat yun is all about math and numbers which I excel in high school. Kaya this year I decided na magtry ng Science-related course baka sakaling magustuhan ko. And then I found this BS Biology course. Masaya naman pala ang science kahit more on memorization ito.
I'm in the middle of doing my homework on Zoology ng makaramdam na ulit ako ng gutom. Nalipasan pala ako ng gutom.
It's already 10pm masyado akong naooccupied sa ginagawa ko.
Paglabas ko ng kwarto ay saktong pagpasok ni Alyssa.
Ngayon lang sya umuwi?
"San ka galing?" Tanong ko dito pero she just ignored me.
Oh wow! Fine bahala ka dyan.
Pumunta ako sa kitchen para kumain. Buti na lang nainit pa din yung kanin kasi yung hotdog at itlog eh hindi na.
After ko kumain ay hinugasan ko na yung kalat ko tapos dumiretso na ko sa kwarto.
Iniligpit ko na ang mga gamit ko na nagkalat sa kama. Di ko na tatapusin ang assignment ko isa na lang naman yun bukas na lang siguro kapag may free time.
Habang nilalagay ko yung mga libro ko sa selves ay biglang lumabas si Alyssa ng banyo.
Damn! Minsan talaga ang hot ng taong to.
She's wearing a box and a sports bra. Tapos yung umaagos ang tubig na nanggagaling sa basa nitong buhok papuntang abs nya.
Oh shit. Dennise no. You're mad at her.
Okay. I just calm myself at saka dumiresto sa banyo. Di pa nga pala ako naliligo.
Sometimes, naiisip ko na what if me and Alyssa become a real couple. Tutal kasal naman kami pero most of the time naiisip ko na she marry me because that's what my parents want not because we love each other.
Pero di rin mawala sa isip ko bakit sya pumayag. Di kaya matagal na nya kong gusto and she grab the chance?
Hay naku Dennise assuming ka. Maligo ka na nga lang.
BINABASA MO ANG
My Secret Wife
FanfictionA AlyDen Story This is a gxg story so if you're not comfortable wag mo na ituloy ang pagbabasa.