Chapter 2

2.7K 60 3
                                    

Nagising ako na dahil sa bigat na nararamdaman ng braso ko. Pagmulat ko ay nakita ko si Dennise na nakasiksik sa kili-kili ko. Nakayap pa ito sa akin at nakaunan sa braso ko.

Kaya pala mabigat.

Araw-araw ay ganito ang bumubungad sakin. Alam kong hindi ito alam ni Dennise dahil lagi akong mas maaga magising sa kanya.

Dahan dahan kong pinalitan ng unan ang braso tapos ay niyakap ko ang kamay nya sa isa pang unan bago ako bumangon.

I went to the bathroom para maligo after taking a bath ay nagluto na ko ng breakfast namin.

"Morning" bati ni Dennise. Nakaligo na ito at nakausot na ng uniform nya.

Sabay kaming kumain. Tahimik lang kami pareho. Lagi naman kaming ganito e, wala ng bago doon.

Pagkatapos ko kumain ay hinugasan ko na ang kalat ko. Naiwan ko pang kumakain si Dennise.

Kahit kailan talaga ang bagal kumain ng taong yun.

8:00 ang first class ko maaga pa naman pero naisipan kong pumasok na. Hindi kami sabay pumasok ni Dennise dahil baka may makakita sa amin.

Pagdating ko sa faculty ay nagcheck na lang ako ng mga test paper ng mga estudyante ko.

Nagulat ako nang nakitang si Dennise ang nakakuha ng pinakamataas na puntos. Tatlo lang ang mali nya.

Matalino naman si Dennise e, ang hindi ko lang alam bakit kailangan nya magloko sa pag-aaral.

*Bling!

Napatingin ako sa cellphone ko.

May klase ba o aalis na kami kasi marami pa kaming gagawin.

It was Dennise. Anong oras na ba?

8:15. Damn!

Wait for me. Maikling reply ko dito.

Mabilis akong naglakad patungo sa classroom. Buti na lang at medyo malapit lang yon

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa room.

Ang kaninang magulong section ay biglang tumahimik. Nakatingin silang lahat sa akin.

Ramdam ko naman ang pawis sa noo ko dahil sa ginawa kong pagmamadali kanina. Kahit aircon ang room ay mainit pa din.

"Good morning." Bati ko sa mga ito.

"Good morning." Mga nag-almusal ba tong mga to? Wala manlang kaenergy energy ang paggreet.

Nilabas ko na ang laptop ko at sinet up ang projector at nag-umpisa nang magturo.

"Question. Who is the Father of Genetics?" Biglang tanong ko dahil halos wala ng nakikinig sakin.

"Anyone? Oh Ms. Dy." Turo sa isa sa mga estudyante ko.

"Ahhh." Kinakabahang sabi nito.

"Gregor Mendel." Singit si Dennise

Tumingin ang buong klase sa kanya. Busy ito sa pagbabasa ng librong hawak nya.

"Am I right Ma'am?" Tanong nito at saka binaba ang librong hawak nya at tumingin sa akin.

Bakit ganun yung mga tingin nya? Nakakaloko.

"Ah.. Yes... Yes cor..rect..." bakit ako nauutal?

"Thanks Ma'am." Kumidat pa ito sa akin at nakita iyon ng buong klase.

Damn! I hate it when Dennise being naughty with me infront of the students.

-----

Sorry about the typographical and grammatical error.

My Secret WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon