(SPG/R-18)
❤️ Owl City Boys Series - 5 ❤️
Julienne Reese Imperial lived independently in the Owl City main. She had many questions for herself. Why she had this weird ability that a normal person impossible to has. Is it related to her past? At the...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Author's note: Please give some attention on my revision on the scene where Julienne had an episode while being carried by Frank. XD naduling na ako at nakalimutang ayusin. Bago niyo po ito basahin para clear at walang confusion. Maraming salamat. I love you guys. Good night and happy reading.
THE SUPPOSED vacation in the Philippines ended up for good. Dapat sasabay ako sa pag-uwi nila Gatus ng araw na iyon, pero nagkaroon ng major invitation si Caesar sa Paris by December. Kailangan niya ako kaysa sa panibagong secretary. Pumayag ako dahil malaki at temptation ang offer niya. Bago manlang umuwi ay makapunta ako sa Paris ng libre. Makikita ko pa ang ilang sikat na mga designer at models.
It's a matter of eight months, then I will finally come back to the Philippines. I can do it, right? Nakaya ko ang tatlong taon, walong buwan pa kaya?
Caesar is getting huge in Australia. His name was like Majesty in the Philippines. He started his designs locally then latter the international discover his ideas. And next year he will mark his name in Paris, the mother of Fashion World. The place where all dreams will come true.
Finally, I would see it for real.
"Sigurado kang tatlong palapag lang ang ipapagawa mo?"
Tinitigan kong maigi ang titolo ng lupang nabili ko sa probinsiya ng Rios De Bay. Isang ektarya iyon sa siyudad. Malapit sa hospital at mall.
"Yeah. Gusto ko kasing sa ibaba ay commercial store na puwede kong ipa-rent. Malaki ang business potential ng lugar dahil siyudad. Isang oras lang ang biyahe nasa Owl City Main na. Kumpara sa Casa De Rios na mura nga ang lupa... ang layo naman."
"Ang business minded mo na talaga. Ano tuloy pa rin ba 'yung plano mong investment?"
Binalik ko sa lagayan ang titulo bago sumagot, "Oo naman. Tatlo ang plano kong gawin sa naipon ko. Pambili ng lupa. Makapagpagawa ng paupahan. Makapag-invest sa malagong kumpanya para umikot ang pera ko."
Napalapit ako sa screen ng aking IPad nang idikit ni Jasmin ang baby niya roon.
"Say hi to Ninang!" said Jasmin, but the baby just smiled cutely.
Lalo akong nanggigil sa bata. "Ang bilis ng panahon. May baby ka na at asawa, samantalang ako single pa rin."
"Alulu si Bakla. Picky ka kasi, inireto ko sa'yo 'yung barkada ni Gani pero inayawan mo. Si Frank pa rin ba?"
"Sira ka. Baka nga pinakasalan na noon si Bridgette. Tanda mo 'yung girlfriend niya. Seryoso siya ro'n."
Inirapan niya ako. Ibinalik sa kama ang baby niya upang mahawakang maigi ang cellphone. "Puks, nakita ko 'yang si Bridgette sa Mall. May ibang kasama. Guwapo rin. Tingin ko ay matagal na silang wala."
I suddenly felt hopeful. That she's not bluffing. Ngumuso ako upang itago ang ngiti sa aking labi. "Baka co-model niya lang. Frank is perfect. Whose woman would let him slip on her finger?"