Truth

1.9K 56 22
                                    

NAGBIBIRUAN kami ni Calum nang makabalik sa tent

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

NAGBIBIRUAN kami ni Calum nang makabalik sa tent. Maging ang naabutan naming si Margerine, Clifford at Jody ay nagkakatuwaan. Ang sarap ng hagikgikan nila habang tinatawag kami. Napansin ko kaagad ang mga prutas sa gilid ni Margerine.

Mukhang marami silang nakuha?

"Juls, kumakain ka nito?" Dinampot ni Clifford ang maliit na bilog. Ang ilalim na parte noon ay kulay berde habang ang tuktok ay pula. Mukha iyong hinog at malinamnam.

Tumango ako.

"Told you, kuya. Ayaw mo kasi makinig." Umirap sa kawalan si Margerine.

Lumapit si Calum. Pilyong dumampot ng manga matapos ay ibinato kay Clifford. Mayabang na nasalo 'yon ng huli habang tumatawa. "Rare kasi 'yan sa Owl City."

"Kahit elementary, alam 'yan kuya. Nagpapalusot ka pa!"

"Juls, found water. Give us your tumbler. We will fill them all," basag ni Calum.

Mula sa pag-aayos ng tent ay napalingon sa akin si Jody. "Awesome. I'm so thirsty!"

"Guys? Help us!"

Lahat kami ay napalingon kay Montmeyer na buhat si Margot. Mabilis akong tumakbo at sinalubong siya.

"Anong nangyari?" tanong ko, hinahanap ang dahilan ng pagkawala ng malay ng pinsan ko. Hanggang sa mapansin ko ang dalawang pula na bilog sa binti niya. Gumapang ang katakot-takot na kilabot sa buong katawan ko. "Nakagat siya ng ahas?"

Magkakasunod na mura ang pinawalan ni Montmeyer. Gaya ng pinsan ko ay namumutla ito at pawis na pawis. Clifford and Calum helped their cousin to carry Margot. Jody says something for them to go through even if the whole place is getting dark.

"Juls, I want you to stay calm and gathered your things," Jody whispered on my side.

I am so nervous that I can't breathe. I can't even focus. All I could see was my unconscious cousin. Is she dying? Beads of sweat gushed on my forehead.

"Ako ng bahala sa gamit. Margerine, tulungan mo ako. Jody, ikaw ng bahala kay Juls," utos ni Clifford.

"Ang pinsan ko?" Hinabol ko nang tingin sila Calum at Montmeyer na pinagtutulungang buhatin si Margot. Tumakbo ako upang tulungan sila, ngunit maagap na nahuli ni Clifford ang braso ko.

"Juls, calm down. She'll be alright. Mang Sito can handle that."

Hindi ko nilubayan ng tingin ang pinsan ko. "Paano mo nasasabi 'yan?"

"Magtiwala ka lang, Juls."

Nakuha niya ang aking atensyon. Doon ko lang napansin na dalawang back pack ang buhat niya sa likod. May hawak pang gamit ni Margot. Sa likuran sila Jody at Margerine na pinagtutulungang dalhin ang natitira pang gamit.

Tumango ako. Humati sa pagdadala sa mga bagahe. Nagmamadali kaming lahat. Mas lalo si Calum at Montmeyer. Alintana ang pagod at gutom, nang matanaw namin sa 'di kalayuan ang bubong ng tinutukoy nilang bahay. Nagkaroon ng kaunting gaan ang dibdib ko.

The UnnoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon