"Hindi niya 'yon makukuha hangga't buhay ako."
Lumingon kaming lahat sa likuran. Nang makilala ko kung sino ito'y nangilid ang aking luha.
"Nanay Mercy?" tawag ko.
Naluluha itong lumapit sa akin at yumakap. "Salamat sa panginoon at hindi ka napaano. Hindi ko alam kung ano ang sinabi sa'yo ng asawa ko, pero nahihiya ako sa magulang mo. Nangako ako sa kanilang babantayan si Senora."
Tears swelled in my eyes. I hugged her back as she reminded me of my Lola. My poor and loving grandmother. "Hindi niyo po kasalanan, Nay. Wala pong may gusto ng nangyari."
She slightly parted and looked me in the eyes. "Kahit anong gawin ni Daniella na pagkuha sa kayamanan. Nasa mabuting kamay ang lahat ng 'yon. Naghihintay sa pagbabalik mo, Hija."
"She looks exactly the same with Georgina!"
Our attention drifted on the woman beside my Auntie Yvette. I think her aged was the same as my Lola. But she's stricter, the expression that no one can please her.
Posible kayang siya ang tinutukoy ni Mommy sa panaginip ko? "Mrs. White?" turan ko.
The woman walked closer to me. Mariin akong tinitigan sa mukha. "Ikaw nga! Ang batang may kakayahang makakita ng hinaharap. Abilidad sa kamay. Tell me... hanggang ngayon ba'y mayroon ka pa rin noon?"
Paano niya nalaman ang tungkol doon?
Tiningnan ko sila isa-isa, ngunit mas nagtagal kay Frank. Nahihiya akong aminin ang lahat ng ito sa kanila, pero narito na. "Buhat po noong mangyari ang aksidente sa akin noong college ako. Hindi na po naulit. Paano niyo po nalaman?"
"Sinubukan ipa-konsulta ni Georgina 'yan sa akin. Lumapit din sila sa espiritista. Pero hindi kayang sagutin maging ng science kung paano. Pero base sa paraan ng pag-iisip mo, wala akong nakikitang problema. Nagtanong ako sa magulang mo kung may nangyari sa'yo noong isinilang ka, ngunit wala silang matandaan. Normal ang lahat.
"Sa takot ng Daddy mo nang i-predict mo ang mangyayari sa kanila, sinubukan nilang gumawa ng experiment. Hindi ko alam na 'yon ang magiging ugat ng kapahamakan nila. Mabuting mayora si Georgina. Ikinalulungkot ko ang pagkamatay niya ng maaga."
Experiment? My eyes widen. "Kaya po ba akala ng mga mamayan ay kulto ang pamilya ko?"
"Julienne, hindi kailanman nanakit ang Daddy mo. Mga daga at pusa ang pinag-eksperimentuhan niya. Sadyang may batang nakasaksi lang ng pagkamatay noong pusa, kaya hinimatay hanggang sa hindi na mabuhay. Hindi totoo ang kulto. Kagagawan ni Daniella ang masamang kuwento. Pinalala niya at dinagdagan ang issue. Nahuli ko siya noon na pinatay ang bata, pinalabas niyang kasalanan ng Daddy mo," sabad ni Mercedita.
Nanghina ang aking mga tuhod. Frank immediately supported me from my back before he said, "Let's call it a day."
Hinawakan ko siya sa braso upang pigilan. "Gusto kong malaman pa. Okay lang ako." Hindi ko na hinintay ang kasunod niyang sasabihin. Muli akong bumaling sa kausap. "Ginawa nila Mommy 'yon para mawala ang kakayahan ko?"
BINABASA MO ANG
The Unnoticed
ChickLit(SPG/R-18) ❤️ Owl City Boys Series - 5 ❤️ Julienne Reese Imperial lived independently in the Owl City main. She had many questions for herself. Why she had this weird ability that a normal person impossible to has. Is it related to her past? At the...