I AM LOSING HOPE. Apat na araw na ang nagdaan pero hindi ko mahanap ang istorya ng nakaraan. The Internet can't fill all my questios, until my last card passed through me. Iniiwasan niya ako noon, ngayon lang siya nakalapit muli sa akin. Kung minsan naman ay wala siya rito sa mansion.
"Nasaan po sila Tita Daniella?" Gusto kong manatiling casual kaya hindi ko siya tiningnan. Contemplating my hungriness to know the truth I picked up the teacup and sipped before I glanced with her.
"Nasa bayan, Hija. May inaasikaso kasama si Margot."
"Naku! May ka-date yata si Margot kaya sumasama."
Ngumiti siya nang matapos magsalin ng panibagong tsaa sa aking tasa. Bakas ang paghanga habang minamasdan ako.
"Hindi na yata nagagawi rito ang manliligaw mo, Hija?"
That hurts me. I cleared my throat. "Out of the country po. Doon po talaga siya nakatira dahil naroon ang trabaho niya."
She nodded on that. Nanay Mercy is way younger than my Lola. Gaano na kaya siya katagal na naninilbihan sa amin? Kilala niya kaya ang Daddy ko?
"Si Daddy, hindi po ba ibang lahi siya? Kasundo niyo po ba siya?" Kinailangan kong silipin ang cellphone ko para hindi niya mapansin kung saan patungo ang pakikipag-usap ko sa kanya ngayon.
"Oo naman, Hija. Hindi ako nakapagtapos pero tinutulungan niya akong maunawaan siya. Tsaka matatas at sanay sa tagalog ang papa mo."
Tumango ako. Tumanaw sa malayong kalmadong dagat na abot tanaw ko mula sa veranda. Ang bigat ng dibdib ko. Malinaw din sa aking alaala ang hitsura ni Daddy. He is as gentle as this ocean. Sweet, understanding, and loving, that's how I describe him on my episodes.
"Magkuwento naman po kayo kung paano niya kami inalagaan noon. Gusto ko pong malaman ang mga talent o hilig niya."
"Mahilig siya sa cookies. Gaya mo, ginagaya mo siya noon. O sadyang maka-daddy's girl ka lang. Magaling siyang tumugtog ng piano. Dati pa nga, hindi ka nakakatulog hangga't hindi siya gumagamit noon. Mas gusto mo 'yon kaysa sa mga pangbatang kuwento."
Pumikit ako. Inalala ang hitsura nilang dalawa. Ang aking ina at ama. Kung sana buhay sila at kasama ko ngayon, sana... sana... hindi ako nahihirapan ng ganito.
"Doctor ho ang Daddy ko, hindi ba?"
"Oo. Kaibigan siya ng Uncle Albert mo. Mas matanda nga lang ng ilang taon. Matalino at matulungin ang papa mo, gaya ng mama mo. Kaya nga napagkasunduan nilang gumawa noon ng—"
"Mercidita!"
Sabay kaming napalingon sa bukas na pinto. Ang aking Auntie Daniella ay may hawak na paperbag sa magkabilang kamay nito. Matalim ang titig sa aking kasama, pero nang magawi sa akin ay biglang naging malambot bago ngumiti.
"I brought you a new set of gowns. Next week before we go out of town we will attend a major ball in Beaufort. You choose between this, hurry! I will check which one you like then I will arranged your accessories and shoes."
BINABASA MO ANG
The Unnoticed
ChickLit(SPG/R-18) ❤️ Owl City Boys Series - 5 ❤️ Julienne Reese Imperial lived independently in the Owl City main. She had many questions for herself. Why she had this weird ability that a normal person impossible to has. Is it related to her past? At the...