Fancy Life

2.5K 83 36
                                    

TOTOO bang may Cinderella? Kasi kung ano ang nangyayari sa akin ngayon ay parang panaginip

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

TOTOO bang may Cinderella? Kasi kung ano ang nangyayari sa akin ngayon ay parang panaginip. Magmula sa isang maliit na kuwarto ay naging mansion. Kung noon ay nagtatrabaho ako para mabuhay. Ngayon ay mamumuhay akong tagapagmana at pinagsisilbihan. 

Hindi na ako kung sino lang. Ako si Julienne Georgine Reese I. Brooklyn. Iyon ang nakadetalye sa birth certificate ko. Ipinanganak sa sa city of Mercasa lalawigan ng Casa De Bay. Ang ina ko'y si Georgina Imperial. Ang ama ko naman ay pure Dutch, Derek Brooklyn.

Hindi ako pinabayaan ng pamilya ko. Hinanap nila ako. Dahil sa kawalan ko ng alaala ay hindi ko sila nakilala. Ano nga ba ang nangyari noon? Paano ako nalayo sa kanila? Nasaan ang magulang ko?

Tinago ko sa wallet ko ang lumang picture ni mama. Inayos ang maleta bago ako lumabas. Naabutan ko si Jasmin doon na masayang naghihintay sa akin.

"Hindi na ako magpapaalala sa'yo. Totoong pamilya mo na ang makakasama mo. Mas panatag at masaya ako, Baks."

"Jas naman. Parang 'di ba tayo magkikita. Babalikan ko kayo rito. Tatambay ako kapag free."

Mula sa kusina ay sumulpot si Coach na nakaupo sa wheel chair na tulak ni Gatus. Nilalantakan nilang dalawa ang uwi naming pagkain galing sa inakala naming fiesta.

"Ako, bibisita sa'yo once a month. Gusto ko ang lugar doon. Peaceful at ang ganda ng pagkaka-set-up ng white mansion sa gitna ng gubat. Tapos ilang kilometro lang ay ang beach front na."

"Oo, Gary. Bisitahin niyo ako. Ako mismo magpapasyal sa inyo roon."

Hinatid niya ako sa labas, kung saan naroroon ang sundo ko. Bago umuwi kahapon ay kinausap ako ni Lola. Gusto niyang doon na ako manuluyan. Minsan na akong nawala, hindi na sila papayag na malayo pang muli ako.

Pumayag ako dahil marami pa akong gustong malaman tungkol sa sarili ko, magulang at nangyari noon. Gusto kong malaman kung anong kaugnayan ko kay Frank. Bakit ko siya kilala noong bata pa ako? Bagaman sanay na akong mag-isa, gusto kong maranasan naman ang mamuhay kasama ang tunay mong pamilya. Mga kadugo mo. At gusto ko ring tumulong kay Uncle sa paghahanap sa magulang ko. Ang makilala ang pamilya ng ama ko.

The more I'm with them, I know the more information I will get.

"Chat or video call nalang, Juls," ani Coach. Kumindat ito sa akin bago kumagat sa barbecue na hawak niya.

"Ang ibang gamit mo. Ipapakuha ko nalang kay Glen para dalhin sa inyo. Baka kapag bakante ako, sasama na rin ako para pasyalan ka Baks."

Tumango ako. Muling yumakap sa kanilang lahat bago sumakay sa itim na SUV. Lola provided me a bodyguard— he is Juno. He took my things and put it on the compartment. Hinaharot ito ni Gatus noong pauwi kami. May itsura kasi at mukhang kaedad ko o late twenty. Pero nakayanan niyang hindi manlang sumagot o magbigay ng emosyon sa kahit anong kakatwang topic kanina.

The UnnoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon